Unang araw pa lang ng Foundation Week, nakakangarag na. Sobrang dami ng tao na dumadalaw sa room namin, mapa-kapwa estudyante man o outsiders. Hindi namin inasahan na magiging ganito ka-patok ang otaku expo namin.
Noong lunch break na, agad ko naman ding hinanap sina Kasper, Ara, Mina at Rose para sabay-sabay na makapagpahinga. Natural pa rin naman ang pakikitungo nila pero naroon pa rin ang pagtatampo. Ngunit ngayong araw, plano kong ayusin na rin ito.
Sa may open field kami pansamantalang tumambay. Doon ay kinausap ko na sila ng masinsinan.
AKO: 'Wag na kayong magtampo sa akin. Sorry na.
KASPER, ARA, MINA & ROSE: (No comment)
AKO: Alam ko, hindi madadaan 'to sa simpleng sorry kaya... (Nilabas ko ang secret weapon. Mga pagkain, potato chips at may tig-iisang Jungle Juice pa sila.) Libre ko 'yan.
Papilit pa sila noong umpisa ngunit 'di kalaunan, tinanggap na rin nila ang peace offering ko. Pero hindi pa rin ako nakaligtas sa isa-isa nilang sermon. Hindi lang naman daw sila sa akin nagtatampo kundi pati na rin kay Deane. At dahil isang barkadahan kami, natural lang na problemahin nila ang problema namin.
Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan nila kaya nagsabi na ako ng totoo. Ikinwento ko ang ginawa kong paglayo kay Deane para kay Amanda. Na 'yun ang naging deal namin para matigil na rin kami sa pag-aaway.
Sa sobrang intense ng kwento ko, intense rin ang reaksyon nina Ara, Mina at Rose. Ang kawawang si Kasper ang napagbubuntunan nila ng gigil at inis nila kay Amanda. Mas lalo pang naging seryoso ang usapan namin noong ikwento ko na rin 'yung puntong nalaman na ni Deane ang tungkol sa deal.
AKO: Noong Friday, nagkaharap na kami ni Deane at galit na galit talaga siya. Hindi ko rin naman akalain na aabot na kami sa ganun hanggang sa... (Uminom sandali ng juice dahil sa kaba)
ARA, MINA & ROSE: (Mga kabado rin kaya sabay-sabay silang napainom ng juice)
KASPER: Hanggang sa ano, Stacey?
AKO: Hanggang sa biglang nagtapat na sa akin si Deane. Na... na ako pala ang gusto niya.
ARA, MINA & ROSE: (Sabay-sabay na naibuga ang juice kay Kasper pa rin)
AKO: Hala Kasper...
KASPER: Okay lang ako! (Pasimpleng punas sa sarili) 'Wag mo akong pansinin! Tuloy mo 'yung kwento!
AKO: Nagsisisi nga ako kasi hindi ko rin nasabi sa kanya na...
SILANG LAHAT: Na ano?
AKO: Na gusto ko rin siya.
SILANG LAHAT: (Mga nakangangang nakatulala na sa akin)
AKO: Kamaikalan ko lang din na-realize pero totoo at sigurado ako rito sa nararamdaman ko. May gusto na talaga ako kay Deane.
ARA, MINA & ROSE: (Napalundag, hampasan, yakapan at celebrate dahil sa kilig)
KASPER: (Gustong makisali sa kanila kaso...)
MINA: Eww Kasper, amoy juice ka!
ROSE: Doon ka nga! Chupi! Kinikilig pa kami!
KASPER: Grabe kayo! Kayo kaya nagbuga sa akin ng juice! Ara, pasali!
ARA: Mahahawa kami sa amoy mo, Kasper. Magpalit ka muna ng damit.
KASPER: Ang sasama niyo! Tayo na lang mag-celebrate, Stacey?
AKO: (Umatras rin at napatago kina Ara)
KASPER: (Wala nang nagawa kundi mag-celebrate mag-isa at paikot-ikot na lang na nagtatakbo sa field)
ARA: Dalaga ka na, Stacey! We're so happy for you!
AKO: Pero guys, nakalimutan niyo ba 'yung kwento? Nag-away kami, 'di ba? Hindi pa niya talaga alam na may gusto ako sa kanya. Isa pa, sinabi niya sa akin na huli na 'yung pag-uusap namin na 'yun. Galit talaga siya sa akin.
SILANG LAHAT: (Nagkatinginan sa isa't isa at biglang nag-group meeting)
AKO: Um, guys? Pasali naman sa usapan niyo.
Matapos ang pag-uusap nila na ayaw pa muna nilang i-share, nangako naman silang gagawin ang lahat para tumulong na makaayos kami ni Deane. Sinigurado rin nila na one of these days, maipagtatapat ko rin ang feelings ko.
Labis din naman ang saya ko. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib at nakahinga na rin maluwag. Never na talaga akong magtatago ng sekreto sa kanila. Ang swerte ko sa mga kaibigan ko.