Kanina pa tumunog ang bell for lunch break pero almost 15 minutes late kaming pinababa ng teacher namin sa World History. Tuloy, noong mag-dismiss na siya ay parang mga mandirigmang Spartan ang mga kaklase ko na nag-unahan papunta sa cafeteria.
Pahirapan na kasing humanap ng bakanteng upuan dahil bukod sa nauna na 'yung first and last section ng batch namin, sunud-sunod na rin ang baba ng mga lower years. Tapos may mga faculty teachers pa na kung mag-reserve ng pwesto, akala mo pang-catering na 'yung haba ng lamesa na sinakop nila.
Medyo binilisan ko na rin ang pagbaba ko sa hagdan pero napatigil ako sa kalagitnaan nang makasalubong ko si Deane. Humihingal ulit siya. Parang timang. 'Yung mga kaklase ko namang nakakasalubong din siya, kinikilig-kilig pa. Mas mukha silang timang.
DEANE: Wala kang baon? Sa cafeteria na TAYO ulit kakain?
Big letters 'yung 'TAYO' para intense. Makagamit ng salitang TAYO eh! Wala pa naman akong naalala na sinabi kong tanggap ko na ang pagsama-sama niya saakin! Hindi ko na lang siya pinansin at nilampasan ko siya, kaso nakuha pa niya akong sabayan.
DEANE: Akala ko doon pa rin TAYO kakain sa room niyo?
Maraming namamatay sa maling akala.
DEANE: Kaya nagbaon na ako!
Hindi ko naman tinatanong.
DEANE: Marami na 'tong binaon ko. Gusto mo mag-share na lang TAYO?
Ayoko.
DEANE: Tsaka wala nang mauupuan sa cafeteria dahil occupied na ang lahat ng lamesa at upuan.
Alam ko naman na 'yun.
DEANE: Ubos na rin 'yung potato chips sa stall.
Ay shet.
DEANE: Pero nakabili na ako para saating dalawa!
Seriously?
DEANE: Ano? Doon nalang ulit TAYO sa classroom niyo?
Umm...
DEANE: Okay! Tara na!
Hindi ako nakasagot sa lahat ng sinabi niya pero hinila na niya ako agad pabalik sa classroom namin. Hindi na rin ako nakapalag. Masyado na akong gutom para umangal. Tsaka 'yung potato chips. Sayang naman kung tatanggihan ko pa ulit.