54: Weird

174K 3.6K 420
                                    


Ang weird na 'yan ay hindi ako kundi si Deane. Nang-aagaw na siya ngayon ng titulo!  Eh kasi naman, ang tahimik niya ngayon at panay pa ang pagbuntung-hininga. At ang pinaka-weird pa, wala siyang gana sa ishini-share ko sa kanyang potato chips na inilibre sa akin ni Kasper kanina!

AKO: (Sinadyang ilapit sa mukha niya 'yung potato chips)

DEANE: (Ngumiti pero tumanggi)

AKO: (Nagpumilit)

DEANE: (Hindi nagpapilit)

AKO: (Nabigo)

Kung palabas 'to, para na kaming nasa silent movie. Kulang na lang mag-sign language kami.

AKO: (Humugot ng lakas ng loob) Bakit ayaw mo?

DEANE: (Napatingin sa akin) Ha?

AKO: Potato chips? (In-offer ulit ang potato chips)

DEANE: Busog pa talaga ako. (Ngumiti pero parang pilit) Ngayon mo lang ako kinulit sa potato chips. Nakakapanibago.

AKO: Ikaw 'tong nakakapanibago.

DEANE: Bakit ako?

AKO: Basta.

DEANE: (Napatitig sa akin)

AKO: (Na-conscious)

DEANE: (Ngumiti)

AKO: (Mas lalong na-conscious)

DEANE: (Kinurot na lang ako sa pisngi) Sige na nga. (At napilitang kumain ng potato chips) Oh ayan. 'Wag ka nang malungkot.

Medyo nabawasan nga ang lungkot ko noong kumain na siya ng potato chips! Eh kasi naman, tatlong balot kaya 'yung inilibre sa akin ni Kasper! Idagdag pa 'yung dalawang balot na nauna ko nang binili! Excited pa nga akong i-share sa kanya ito tapos ngayon pa siya walang gana! Hindi masayang kumain mag-isa!

DEANE: Bakit ka pala niya nilibre?

AKO: Talo siya sa pustahan.

DEANE: Nakipag-pustahan ka?

AKO: Sa badminton.

DEANE: Bakit?

AKO: Pinilit niya ako.

DEANE: Bakit pumayag ka?

AKO: No choice.

DEANE: Ahh... okay. (Tapos parang nag-pout siya na parang bata at muling natahimik)

Nakaka-paranoid pala kapag ang kakilala mong madaldal ay bigla na lang nanahimik. Ayoko ng ganito. Nag-aalala ako. Naiisip ko noon 'yung pagtatago ni Mel tungkol sa sakit niya tapos huli na noong nalaman ko.

May pinagdaraanan din ba si Deane ngayon na hindi niya sinasabi sa akin? Baka magulat na lang ako isang araw na may sakit na pala siya tapos... hala! Nagiging morbid na ako mag-isip! Erase! Erase! Erase!

AKO: Kung ayaw mo ng potato chips, Jungle juice na lang?

DEANE: (Nag-isip sandali. Sa wakas ay ngumiti na ng totoo)

Bukod sa parents ko, kabilang na rin si Deane sa mga taong ayokong mawala sa buhay ko ngayon. Kapag nawala siya gaya ng pagkawala ni Mel, baka hindi ko na talaga kayanin.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon