May ilang classmates ko mula sa first section noon ang biglang dumalaw sa aming room. Gusto nilang silipin kung ano ba talaga itong pinagkakaguluhang otaku expo ng section namin. Kasama rin nila si Liam ngunit palapit pa lang sana ito sa akin, humarang naman sina Mina at Rose.
MINA: (Masungit ang dating) Gusto niyo bang subukan ang cosplay photobooth namin?
ROSE: (Kasing sungit din ni Mina) With free make-up, costume and props sa pipiliin niyong anime character.
MINA: 50 pesos lang, complete package na. Makakakuha kayo ng isang wallet size, 3R at A4 pictures.
ROSE: Ano? Magpapa-picture ba kayo o don't tell me pinadala lang kayo rito para mag-spy?
LIAM: Um... sinong magmi-make-up?
MINA: Sila! (Tinuro 'yung dalawang classmates naming bading)
LIAM: Eh si Stace?
ROSE: Ay hindi siya pwede, tindera lang namin siya eh.
LIAM: Sige, 'yung mga classmates ko na lang ang magko-cosplay. Titingin naman ako sa mga paninda niyo.
Nakakatawa ang reaksyon ng mga classmates ni Liam nang ipagkanulo sila nito. Halatang napilitan na lang talaga silang mag-bayad ng 50 pesos para subukan ang cosplay photobooth namin. Samantala, natuloy naman din ang paglapit sa akin ni Liam.
AKO: Anong ginagawa niyo rito? Wala ba kayong trabaho sa classroom niyo?
LIAM: May one hour break kami ng grupo ko. (Saka niya ako tinitigan) Bakit hindi ka naka-costume?
AKO: (Napakunot ang noo) Bumili ka na lang ng mga paninda namin para hindi ka palayasin nina Mina at Rose.
Habang ini-entertain ko si Liam para makabenta ako, biglang nagsama-sama naman sina Kasper, Ara, Mina at Rose. Nakatingin sila sa amin at obvious na may kinalaman sa amin ang usapan nila.
Mayamaya, patakbong lumabas sina Kasper at Ara. Makalipas ang ilang sandali, humahangos silang bumalik na may kasamang pang isa.
ARA: Oy classmates! May isa pa kaming nahilang customer rito!
DEANE: Ano ba kayo! Ayaw ko sabi!
KASPER: 'Wag ka nang umangal! Kami naman magbabayad!
DEANE: Pero—
KASPER: (Tinakpan na ang bibig ni Deane) Okay! Tumabi kayo! Dadaan kami ng pards ko!
ARA: Magko-cosplay rin si Deane!
Marami sa mga classmates naming babae lalo na 'yung bading ang kinilig at na-excite dahil makikita nilang mag-cosplay si Deane. Parang naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko. Kung hindi pa humarang sa paningin ko si Liam at kumaway sa mukha ko, hindi ako matatauhan.
LIAM: May napili na ako, Stace. Ito na bibilhin ko. (Tukoy niya sa tatlong poster at keychain)
ARA: Um, ako na magbibenta sa kanya!
AKO: Huh?
ARA: Nakulangan tayo bigla ng make-up artist kaya ikaw na magmake-up kay Deane. (Sabay kindat sa akin)
Hindi rin ako nakapalag dahil inagaw na ni Ara ang posisyon ko at siya na ang nagbenta kay Liam. Bigla naman akong hinila ni Kasper papasok sa fitting and make-up area kung saan naroroon si Deane.
Pareho kaming nagkagulatan ngunit wala ring nagawa dahil nakulong na kami sa loob. Hindi pwedeng lumabas hangga't hindi ko siya naayusan.
DEANE: (Snob pa rin)
AKO: (Naglakas-loob na lang) Sinong gusto mong i-cosplay?
DEANE: (Napakamot sa ulo. Umiiwas pa rin ng tingin) Kahit sino. Basta matapos na lang 'to.
Hindi man lang nag-pretend si Deane. Talagang pinaramdam niya sa akin na ayaw niya rito at ayaw niya akong makasama. Nabaliktad na nga yata talaga kami ng personality namin. Siya na 'tong isnabero at walang imik.
At tutal nagmamadali siya, pumili na lang din ako ng anime character na madaling gayahin para sa kanya. Si L ng Death Note. Sangkaterbang pulbo, maitim na eyebags at magulong buhok lang ang kinailangan niya para mag-transform. Tapos 'nun ay lumabas na ako para makapagbihis na siya at makapagpa-picture na sa photobooth namin.
Saka naman ako excited na sinalubong nina Kasper, Ara, Mina at Rose.
MINA: Panda ba kino-cosplay ni Deane?
ROSE: Akala ko nga, pang-Walking Dead ang peg. Ang patay ng make-up niya!
AKO: Si L siya ng Death Note.
KASPER: Bakit si L naman? Sana 'yung favorite niyang si Goku!
AKO: Gusto niya kasi 'yung madali lang matapos.
ARA: Hay naku! Sayang 'yung 50 pesos namin!
KASPER: May iba pa ba kayong pinag-usapan?
AKO: Wala eh. (Napilitang ngumiti na lang) 'Wag na lang muna natin siguro siyang madaliin. Intindihan na lang natin na hindi niya ako agad mapapatawad.
Parang pinagsakluban ng langit ang mga kaibigan ko. Doble naman ang nararamdaman ko. At kahit nanlulumo, bumalik na lang ulit ako sa pagtitinda.