169: Reunion

158K 2.7K 339
                                    


Dear Journal,

Namiss mo ba ako? Ang tagal kitang hindi nasulatan ha. Kumusta nga pala ang Canada? Ang sabi sa akin ni Deane, hindi na raw niya mabilang kung ilang beses ka niyang inulit-ulit na basahin. Totoo ba 'yun? Pero mas masaya ako na iningatan ka talaga niya ng maigi. Nakabalot ka pa nga noong ibinalik ka niya sa akin.

Hayaan mong isulat ko na ngayon ang muli naming pagkikita ni Deane. Kahapon pa siya nakabalik dito sa Pilipinas. Unfortunately, hindi ako nakasama sa buong grupo noong sinundo na siya sa airport dahil na-extend 'yung bikini fashion show namin na ginanap sa Boracay. Hindi ako kasama sa models ha. Bikini collection ko lang ang inirampa nila. At hindi naman sa pagmamalaki pero gumagawa na ako ng sarili kong pangalan bilang isang fashion designer.

Anyway, alam din nina Kasper na sobrang busy ako dahil sa event na iyon kaya umasa akong maipapaliwanag nila ng maayos kay Deane—at ito ay isang malaking pagkakamaling nagawa ko. Ginamit na naman kasi nila itong pagkakataon para pagtripan kami.

Sa pagbabalik ko mula Boracay, ang plano ay ituloy na talaga ang reunion ng tropa. Nagkasundo nga kami na sa isang restaurant na malapit sa North Grisham High School ang meeting place kaya doon na ako dumirecho.

Pagdating ko roon, pumasok na ako sa loob ng restaurant bitbit pa ang mga bagahe ko. Pumili rin ako ng pwesto kung saan matatanaw ko agad kung parating na sila. Tahimik lang ako. Patingin-tingin sa paligid. Kunwari kalmado pero ang totoo ay kabado.

At may sapat na dahilan para kabahan talaga ako. Nang itext ko kasi si Kasper para sabihin na narito na ako, heto naman ang ni-reply niya sa akin, "Stacey, hindi na pala kaming apat makakatuloy. Pero malapit na raw si pards kaya 'wag kang aalis dyan."

Natulala ako pagkabasa ko sa text na iyon. Pero mas natulala pa akong nang matanaw kong nandito na siya.

Nakapamulsang humakbang papasok ng restaurant si Deane. Mas tumangkad pa yata siya. Hindi na rin siya 'yung dating patpatin dahil nagkalaman na rin ang mga braso niya. Lumakas pa lalo ang dating niya dahil lahat ng babae sa paligid, mapa-waitress o customer man, napalingon sa pagdaan niya.

Dati nang gwapo si Deane. Pero mas naging gwapo pa siya ngayon.

Tinitigan ko siya at hinihintay na makita niya rin ako. Ngunit napako ang atensyon niya sa isang babaeng nakaupo sa may dulong restaurant. Nakatalikod ito habang may sinusulat sa kanyang notebook. Kapareho ko pa ito ng hairstyle kaya hindi na ako nagtaka kung mapagkamalan siya ni Deane, "Yecats!"

Napahiya siya at nakakaawa talaga, pero 'di ko rin mapigilan na hindi mapangiti sa nakita ko. Humingi na siya ng tawad doon sa babae at nanlulumong naghanap na lang ng ibang mauupuan.

Noong mga oras na iyon, balak ko na siyang lapitan ngunit inilabas niya ang phone niya, nagsuot ng earphones sa tainga niya, at sinundan ito ng pag-vibrate ng phone ko. Vini-video call niya ako!

Naisip kong gulatin siya kapag sinagot ko na ang tawag niya, pero ako ang nagulat sa itsura niya. Blangko lang ang mukha niya at sobrang tamlay ng dating. At ramdam ko ang lungkot niya. Sobrang lungkot.

AKO: Deane...

DEANE: (No comment)

AKO: Napatawag ka?

DEANE: (No comment pa rin)

AKO: Deane?

DEANE: Kailan mo sasabihin sa akin, Stacey?

Nagtaka ako kung bakit 'Stacey' ang tinawag niya sa akin samantalang noong inakala niyang nakita niya ako kanina, 'Yecats' ang ginamit niya. Naalala ko na tinatawag niya lang ako sa pangalan ko kapag seryoso siya, galit o kaya naman ay nagtatampo.

AKO: Deane, ang totoo niyan, nandito ako sa—

DEANE: Ayoko na... ayoko nang marinig.

AKO: Ang gulo mo namang kausap.

DEANE: Magulo? Ikaw ang magulo, Stacey!

AKO: Teka... bakit galit ka?

DEANE: Sinong hindi magagalit? Excited akong umuwi dahil umaasa akong sasalubungin mo ako pero nasaan ka?

AKO: Hindi ba sinabi sa'yo nina Kasper?

DEANE: Sinabi nila sa akin. Sinabi nila na nasa Japan ka!

AKO: Japan?

DEANE: At kasama mo pa 'yung classmate mo.

AKO: Sino doon?

DEANE: 'Yung may gusto sa'yo.

AKO: Huh?

DEANE: When are you coming back?

AKO: Deane—

DEANE: Do you even plan to come back?

AKO: Makinig ka naman—

DEANE: You listen to me. I'm going there.

AKO: What?

DEANE: I said I'm going there! I've waited long enough for you so I'm not backing down! (At pinutol na niya ang usapan)

Ayan! Lahat ng ipinagmamaktol ni Deane, wala nang ibang dapat sisihin kundi sina Kasper, Ara, Mina at Rose. Mga huwarang kaibigan, 'di ba? Kung anu-ano na naman ang sinabi nila sa kanya!

Hindi ko na tuloy alam kung paano pa siya ia-approach ngayon. Problemadong-problemado siya at iniyuko na lang ulo sa mga braso niyang nakapatong sa lamesa.

Ngunit buti na lang din, may naalala akong secret weapon sa loob ng bag ko. Ang weapon na ito ang madalas niya ring ginagamit sa akin para amuhin ako.

Naglakad na ako palapit sa kanya. Binuksan ko 'yung natitira kong isang balot ng potato chips na baon ko kanina. At sinadya ko na marinig niya ang lutong nito sa bawat kagat.

Effective naman din. Dahil napaangat ang ulo niya sa tunog nito at unti-unti ay nilingon na niya ang direksyon ko.

DEANE: S—Stacey?

AKO: (Nagsalubong ang kilay) Sorry, do I know you?

DEANE: (Nagsalubong na rin ang kilay)

AKO: Ang Deane kasi na kilala ko, Yecats ang tawag sa akin.

Nagliwanag din sa wakas ang expression ng mukha. Tumayo na siya sa kinauupuan niya at hinila ako palapit sa kanya upang yakapin.

AKO: Wait lang! Baka madurog 'yung potato chips!

DEANE: Oh God, ikaw nga si Yecats! I'll buy you hundreds of that!

Nakakaewan 'yung eksena. Pinalakpakan pa kami ng mga tao sa restaurant. Pero sige na nga, kinilig talaga ako sa higpit at init ng yakap niya. Kinilig ako noong sinabi niyang nagselos talaga siya nang inakala niyang nasa Japan ako kasama 'yung classmate kong sinubukan akong ligawan noon. Kinilig ako noong ibinalik na niya ang journal ko para ipabasa sa akin 'yung mga notes na sinulat niya. Kinilig ako nang itanong na niya sa akin kung ready na ba akong magka-lovelife.

Lovelife? Oo, ready na ako.





Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon