88: Date???

149K 3.1K 219
                                    


38.8° Celsius. 'Yan ang temperatura ko pagkagising ko kanina. Kaya pala talaga kakaiba ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. 'Yung mabilis ng tibok ng puso, pag-init ng mukha at pagkahilo ay mga sintomas pala na magkakasakit ako.

Si Mama na ang tumawag kay Deane na hindi na ako makakatuloy sa lakad namin dahil sa mataas na lagnat ko. Pero pagkatapos ng pag-uusap nila...

"Bad timing naman 'yang sakit mo anak. Sayang tuloy ang date niyo ni Deane."

"Hindi date 'yun, Mama."

"Ewan ko sa 'yo, Stacey! Kanino ka ba nagmana? Sayang! Sayang talaga!" at saka siya padabog na umalis matapos niya akong painumin ng gamot. Anong problema ni Mama?



CONTINUATION...

Hapon nang magising ulit ako. Ginamit ko ulit ang thermometer para icheck kung gaano ako kainit and thank goodness, bumaba kahit papaano ang lagnat.

Dahil hindi na ako masyadong nahihilo, bumangon ako sandali para kumuha ng tubig. Kaso paglabas ng kwarto ko, may nakasalubong ako...

AKO: (Kinusot ang mata. Baka kasi imagination lang) Deane?

DEANE: Yecats! Gising ka na pala?

AKO: A—anong ginagawa mo rito? Tinawagan ka na ni Mama... hindi na tuloy...

DEANE: Dinadalaw kita. (Saka lumapit sa akin) Hindi ba dapat nagpapahinga ka pa?

Tama siya. Dapat nga hindi na lang pala ako tumayo dahil bumalik lang ulit ang pagkahilo ko at kamuntikan pa akong maout-of-balance. Mabuti na nga lang at nakalapit agad sa akin si Deane bago ako natumba.

DEANE: (Kinapa ang noo ko) Mainit ka pa rin. Mahiga ka na nga ulit. (Saka niya ako iniakay pabalik sa kama ko) Ano bang kailangan mo? Bakit tumayo ka pa?

AKO: Nauuhaw ako.

DEANE: Wait lang, ako na kukuha.

Saka siya patakbong bumaba at narinig ko pa ang boses niya...

DEANE: Tita, gising na siya! At nauuhaw raw po!

At pagbalik niya...

DEANE: Inom ka na, dali. (Pinaubos niya sa akin ang isang basong tubig) May kailangan ka pang iba?

AKO: (Umiling)

DEANE: Magpahinga ka na.

AKO: (Pumikit) Kararating mo lang ba?

DEANE: Kanina pa akong tanghali. Dito na nga ako nag-lunch kasama ang parents mo.

AKO: (Napadilat) Ha?

DEANE: (Itinakip ang palad niya sa mga mata ko) 'Wag ka nang maraming tanong. Matulog ka na lang ulit.

AKO: Pero—

DEANE: Mayamaya uuwi na rin ako. Sisiguruhin ko na okay ka na kaya matulog ka na ulit.

Wala na akong masyadong matandaan matapos ang eksenang 'yun. Basta ang alam ko, binantayan niya lang ako hanggang sa makatulog ulit ako.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon