124: Deal

127K 2.1K 434
                                    


Araw ng Linggo, dumalaw kami ng pamilya ko sa ospital. Kailangan kong personal na makahingi ng tawad sa pamilya Dioso lalo na kay Amanda. Bukod doon, pakay din ng parents ko na makipag-areglo sa kanila.

Mabait at mahinahon namang kausap sina Mr. at Mrs. Dioso. Nahingian ko nga rin sila agad ng pahintulot na dalawin na si Amanda. Pagpasok ko sa kwarto niya, naabutan ko siyang nakahiga pa rin, nakapikit at nakikinig lang ng music. Hindi pa niya alam na nandito ako pero nang madikit ang dulo ng daliri ko braso niya, agad siyang napatingin sa direksyon ko.

Pinatay niya yung pinapakinggan niyang music at, "Anong ginagawa mo rito?" walang lakas ang boses niya.

Yumuko naman ako, pinipigilan kong lumuha. Wala akong karapatang umiyak lalo pa't hindi naman ako 'yung naaksidente. "Sorry, Amanda. Hindi ko sinasadya."

Nang sabihin ko 'yun, inihahanda ko na ang sarili ko sa mga maaanghang niyang salita pero nanatiling malamya si Amanda. "Nabalitaan ko mula sa school na pwede ka raw ma-expel dahil sa nangyari sa akin."

Tumango naman ako.

"But for sure, Deane won't let that happen." Ramdam ko ang bitterness sa boses mo. "Is that what you get for being the nice girl? Sa kabila ng nangyari sa akin, ikaw pa rin ang kakampihan niya."

"Hindi ko hahayaang pagtakpan ni Deane ang kasalanan ko. Hindi 'yun maatim ng kunsensya ko. At kung ano man ang iparusa nila sa akin, tatanggapin ko dahil 'yun ang dapat."

"And then what? Ako na naman ang lalabas na masama? Na dahil sa akin, hindi ka makaka-graduate?"

"Hindi! Hindi 'yun!"

"Then shut up." Unti-unti nang bumabalik ang talas ng tingin niya, pero nandoon pa rin 'yung bahid ng lungkot. "Kapag sinusubukan kong sirain ka, ako 'yung mas nasisira. Kapag sinusubukan kong paglayuin kayo, si Deane pa ang mas lumalapit sa 'yo. Hindi ko na siya makuha dahil nandyan ka."

Hindi ako nakaimik. Pero may bigla na lang siyang sinabi na kailanman ay hindi ko ini-expect na sasabihin niya.

"Let's stop being enemies, Stacey. Hindi ko hahayaang ma-expel ka para hindi rin ako habang buhay sisihin ni Deane. Instead, let's be friends. I won't be the bad girl anymore. Hindi na kita aawayin at guguluhin. Isa lang ang hihilingin ko sa 'yo, ipaubaya mo na sa akin si Deane."

Pinilit na iangat ni Amanda ang kamay niyang may bandage para makipag-kamay sa akin. She wants to seal the deal. Napakuyom naman ang kamao ko sa may gilid. Umatras ako. Ayoko.

Gustuhin ko mang mag-walkout noong oras na 'yun, hindi rin nagawa. Kaya ako nagpunta rito para humingi ng tawad. Sinabi ko na sa sarili ko na kahit ano, gagawin ko para makabawi sa kasalanan ko.

Bukod doon, iniisip ko na lang 'yung tungkol sa expulsion, parang babaliktad na ang sikmura ko dahil sa takot. At ayoko na ring pahirapan ang mga magulang ko. Ito lang ang paraan ko para ayusin ang problemang dinulot ko.

Kaya labag man sa loob ko, lumapit na ako kay Amanda. Hindi ito ang tama pero ito ang dapat. Wala rin naman akong planong ipagtapat kay Deane ang feelings ko kaya wala akong karapatang ipagdamot siya.

Siguro nga mas mabuting sila na lang ulit ni Amanda kaya sa huli tinanggap ko ang deal na hinihiling niya.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon