50: The Interview

180K 3.7K 348
                                    


Hindi ko na ma-take ang pangungulit ng mga tao sa paligid ko na alamin ko raw ang dahilan ni Deane sa hindi pag-kandidato. Kaya heto na! Last recess namin at pareho lang kaming kaming nagpapalipas oras. Humanap ako ng tyempo para kausapin siya.

DEANE: Asjdhfurnslwucychdj (May sinabi siyang something dito pero hindi ko masyadong pinakinggan)

AKO: Ano...

DEANE: Ohkabayqidhfurbsk (Continuous pa rin ang kumag)

AKO: Um...

DEANE: Hajdirhjakiehfbfjfo (Seriously walang pause button ang bibig niya)

AKO: Deane... pwedeng magtanong?

DEANE: (Natigil bigla at natulala)

AKO: (Kumaway ako sa harap niya para i-check humihinga pa) Deane?

DEANE: (Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Nakakita ba siya ng multo?)

AKO: Pwedeng magtanong?

DEANE: (Parang timang na napakapit sa kinauupuan niya) Woah! Nagsalita ka? Nagsalita ka nga! Akala ko nag-iimagine lang ako!

100% accurate na 'yan ang sinabi niya dahil sinusulat ko itong entry na 'to habang nag-uusap talaga kami.

DEANE: Yecats! Magsalita ka na ulit! Tsaka bakit nagsusulat ka?

AKO: (No comment)

DEANE: May itatanong ka, 'di ba? Interview ba 'to? O slum book? Don't tell me sumali ka sa newspaper club na hindi ko alam? Kusndhduekedkdjaud (Ang bilis na naman niyang magsalita ulit) Ano bang itatanong mo?

AKO: (Bumubwelo)

DEANE: Oy! Dali! Gusto kong marinig ulit ang boses mo!

AKO: Bakit ayaw mo nang tumakbo—

DEANE: Saan? Sa corridor? Sa gym? Sa hallway? Sa... (Hay, hindi ko na naman naisulat dahil wala siyang preno) Saan ba, Yecats?

AKO: Sa Student Council?

DEANE: Bakit gusto mong malaman?

AKO: (No comment)

DEANE: Yecats! Bakit gusto mong malaman?

AKO: (No comment pa rin. Sagutin na lang kasi!)

At this point, hindi ko na ulit nakuha ng accurate niyang sagot. Bukod sa tuluy-tuloy niya kasing sinabi, medyo personal ang naging dating nito saakin. Pero kung isa-summarize ko, ito lang ang sinabi niya:

"Maraming trabaho sa Student Council lalo na kapag President ang posisyon mo. Last year nga, Vice-President lang ako pero sobrang busy na. Naisip ko na kung tatakbo ako ngayon, mababawasan ang oras ko at baka hindi na rin tayo madalas magkasama. Gusto kong enjoyin ang huling taon ko sa high school. At gagawin ko 'yun na kasama ka."

AKO: Ahh. Okay.

'Yun na lang ang nasabi ko. Na-touched sa sinabi niya. Napaka-bait niyang nilalang. Too good to be true! At sa dami ng taong gustong makipag-close sa kanya, ako ang pinagpala na pinilit niyang maging kaibigan. Hindi ko man masabi sa kanya ng harapan, sobrang saya ko talaga ngayon dahil sa kanya.

Pero para hindi halata 'yung ewan na ngiti sa bibig ko, inubos ko agad-agad 'yung binili kong isang malaking bote ng tubig. Ayan! Hindi na niya napansin!




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon