Expected ko nang makakahanap na ng tyempo sina Deane at Kasper na tanungin ako kung ano bang nangyayari sa akin. Kaninang umaga bago magsimula ang klase, na-corner nila ako sa may hallway...
DEANE: Huli ka na!
KASPER: Wala ka nang kawala.
DEANE: May problema ba tayo?
KASPER: Bakit mo kami pinagtataguan tuwing recess?
DEANE: At bakit mo kami in-unfriend?
KASPER: Bakit ka lumalayo sa amin, Stacey?
DEANE: May ginawa ba kaming mali?
At magno-'No Comment' sana ako pero...
DEANE & KASPER: Magsalita ka naman!
Pareho nila akong tinitigan habang hinihintay ang sagot ko. Napakapit na nga lang ako sa tagiliran ko para masabi ko 'to:
"Hindi ko kailangan magpaliwanag sa inyo. Layuan niyo na lang ako para wala nang gulo."
Pagkatapos kong sabihin 'yun, dumirecho na ako sa CR para hindi nila ako masundan. Doon, napaiyak na ako. 'Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa inyo. Kapag kasi hindi ko kayo nilayuan, hindi matatapos ang gulo.' iyan ang mga salitang gusto kong sabihin pero 'di ko nagawa.
Dahil nahirapan na rin akong tumigil sa pag-iyak, pumunta na lang ako sa infirmary at nag-alibi na sobrang sakit ng ulo ko. Nagpasundo ako kay Mama kaya maaga akong pinauwi at pagdating ko sa bahay, nagkulong ako sa kwarto at buong araw lang na nagmukmok.