Kamakailan lang namin nakasama si Kasper pero mas close na sila ni Deane ngayon. At ang walastik pa dyan, ang tindi nila mag-PDB o Public Display of Bromance! Hay, dyusko! Kahit ako nao-awkward na isulat ang term na 'to pero totoo at nakakaloka talaga!
Una kong nasaksihan ang first PDB nila noong maglaro sila ng jack-en-poy at nanalo si Kasper. Bilang parusa, noong first recess ay kailangan bigyan ng piggyback ride ni Deane si Kasper papuntang cafeteria.
Noong lunch naganap ang sunod na PDB nila. Habang kumakain si Deane, may naiwang sauce sa gilid ng bibig niya. Napansin ito ni Kasper at parang slow-mo kong nakita ang pagdikit ng daliri nito sa labi ni Deane!
KASPER: May sauce sa bibig mo, pards.
DEANE: Uy thanks, pards.
KASPER: No problem!
Holy potato chips! May napagkasunduan na rin silang endearment! PARDS!
Last break, naganap ang pinaka-wagas nilang PDB. Habang pinapanood ko silang maglaro ng basketball, 'di sinasadyang nasiko ni Kasper si Deane at halos nahirapan itong huminga. Akala ko nga matutuloy na sa CPR ang kaganapan! Sayang! Pero binuhat ni Kasper si Deane na parang bagong kasal para sana isugod sa infirmary.
Dahil sa mga kaganapan ngayon, napagtanto ko na kaya siguro ayaw ko ng romance dahil mas trip ko ang bromance. Kung normal siguro na PDA ng mag-jowang babae at lalaki, kikilabutan na ako. Pero kung PDB nilang dalawa, natutuwa at nag-eenjoy talaga ako.
Tinanong ko na nga sila kung posibleng bang magkagustuhan sila isa't isa, pero pareho silang nabulunan at sabay na nagwala sa sinabi ko.
DEANE: Grabe ka naman, Yecats! Anong tingin mo sa amin!
KASPER: Oo nga! Anong tumatakbo dyan sa utak mo?
AKO: Nagtatanong lang ako. 'Wag kayong magalit.
Sayang talaga! Kung sakaling may chance pa naman, may naisip na akong couple name para sa kanila: DeaPer! Hahaha!