Kasama ako sa Wednesday cleaners ng room namin. Habang nagwawalis ako sa labas, may mga dumaang estudyante na kumakain ng chichirya (na hindi naman kasing sarap ng paborito kong potato chips) at biglang nagkalat.
Sina Amanda and her friends pala! Kaya pala parang sinadya ang pagkakalat nila!
"Grabe. Napaka-immature talaga." Akala ko sa isip ko lang nasabi 'yan pero napalakas pala.
Napatigil nga sila at para silang gang na pumalibot sa akin. "Anong sabi mo?"
"Lumalaban ka na?"
"Papalag ka na ba?"
Napakagat ako sa labi ko. Kapag pinatulan ko sila, baka kung ano nang masabi ko. Pero isa sa mga ka-grupo kong Wednesday cleaner rin ang sumaway sa kanila. Pero hindi hindi basta-bastang saway ang ginawa niya kundi kinantahan pa ang mga ito.
"Anak ng Pasig naman kayo! Tapon doon, tapon dito. 'Di n'yo alam ang tinatapon n'yo, ay bukas ko at ng buong mundo!"
Naalala niyo ang Jukebox Queen ng batch namin? Si Ara Vicencio! Sobrang lakas ng pagkakakanta niya, napatingin sa direksyon namin maging ang ibang mga estudyante.
"Naturingang SC President tapos nagkakalat kayo ng kaibigan mo? Ano ba 'yan! Sinayang mo boto ko sayo ah! Kalat niyo, linisin niyo!"
Napataas ng kilay si Amanda pero hindi nagpasindak si Ara sa kanya. Sa huli, pahiya ang bruhilda at mga alipores niya. "Sorry ah. Hindi naman sinasadya." Saka nila kinuha 'yung hawak kong walis at dustpan at tulung-tulong silang magkakaibigan na naglinis. "Oh ayan! Masaya ka na?"
Isang pang-asar na kanta lang ulit ang isinagot ni Ara, "Thank you! Thank you! Ang ba-brat—este, ang babait ninyo! Thank you!"
"Tss! Whatever!" At nag-alisan na sila.
Hulog-panga ako sa ginawang panti-trip sa kanila ni Ara. At nakakabilib ang tapang niya.
ARA: Okay ka lang?
AKO: (Tumango)
ARA: Sa susunod 'wag kang papayag na ganunin ka. Pare-pareho lang tayong estudyante rito.
AKO: Sa—salamat.
ARA: 'Sus! Maliit na bagay!
AKO: Hindi lang 'yun. 'Yung ginawa mo sa C.R. at pagpapaliwanag kina Deane at Kasper.
Napangiti bigla si Ara. Tumango na lang siya at akala ko nga aalis na siya pero...
ARA: Napag-isip-isip ko, ngayon mo lang pala ako kinausap.
AKO: Ahh... sorry.
ARA: Bakit nagso-sorry ka! Ahahaha! Ang weirdo mo!
AKO: (Napayuko)
ARA: Pero kung gusto mong makabawi, samahan mo na lang ako sa Sabado. Hindi kasi pinayagan sina Mina at Rose sa lakad namin. Eh gusto ko sanang manood ng sine at tsaka videoke at food trip na rin!
AKO: (Napaisip sandali)
ARA: Pwede mong isama sina Deane at Kasper. Alam ko naman na silang dalawa lang ang ka-close mo eh. Para hindi ka masyadong ma-awkward sa akin!
Hindi pa man ako nakakasagot, sinabi ni Ara na aasahan niya raw ako sa Sabado. So no choice. Sasama na talaga ako. Pero magpapaalam muna ako kina Mama at Papa.