CONTINUATION...
Hindi rin naman ako agad umuwi. Napagpasyahan kong tumambay na lang sa isang coffee shop na isang sakay lang mula sa school namin. Bumili rin ako ng iced coffee, pumwesto sa mga reserved seats sa labas at doon nagpalipas ng oras. Magpapalamig ako ng ulo.
Pero naiinis pa rin ako. Naiinis ako dahil kinalimutan niya ang usapan namin. Siya pa man din ang nag-aya tapos...
DEANE: Yecats!
AKO: (Halos nabilaukan dahil sa gulat)
DEANE: (Naupo sa kaharap na upuan) Anong ginagawa mo rito?
AKO: (Tumingin ng masama sa kanya. Deadma)
DEANE: Oy! (Sinundot ang kamay ko)
AKO: (Umiwas) Ano ba!
DEANE: Oh? Galit ka na naman?
AKO: Paano mo ako nasundan dito?
DEANE: (Ngumiti—akala mo naman ang cute niya) Nakasunod ako sa 'yo mula pa kanina. Hindi ka kasi lumilingon kaya hindi mo alam.
AKO: (Umirap) 'Di ba tatambay pa kayo ni Amanda?
DEANE: At bakit mo naman naisip na ipagpapalit kita sa kanya?
AKO: (Gustong mag-comment, pero na-speechless na)
DEANE: Sabay kaming natapos mag-exam ni Amanda kanina. Inaaya niya akong mauna na ring umuwi pero ang sabi ko, tatambay pa ako sa cafeteria. Ang sabi niya, sasama na lang din muna siya pero paglabas namin, nandoon ka na pala. So wala na akong dahilan para tumambay sa cafeteria kasi ikaw naman talaga ang balak kong hintayin.
AKO: (Speechless pa rin)
DEANE: Galit ka pa rin?
AKO: Bakit hindi mo ako pinapansin mula pa kanina?
DEANE: (Biglang napaubo) Eh kasi baka bigla akong madulas tungkol sa lakad natin at marinig pa nila pards. Alam mo naman seloso 'yun. Speaking of lakad, hindi mo naman siguro nakalimutan 'yun?
AKO: Hi—hindi...
DEANE: Yown! E 'di, tara na?
So hindi pala talaga niya nakalimutan. Ako lang 'tong tampururot agad. Pinaghandaan pa nga raw niya ang araw na ito dahil may ticket kami sa bagong bukas na amusement park na 'Otherworld Paradise.'
Noong mga oras na 'yun, na-guilty ako. Ang bilis kong magalit kay Deane samantalang lahat naman ng ginagawa niya ay para sa akin. But I feel more blessed. Kahit ganitong immature ako, hindi siya umaalis sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan.
Pagdating namin sa Otherworld Paradise, sinakyan ko lahat ng trip ni Deane. Lahat ng rides na gusto niyang subukan, sinakyan namin. Ang tapang pa niyang sumakay sa roller coaster pero noong mahilo siya pagbaba namin, inalalayan ko siya.
Lahat din ng pagkaing gusto niyang tikman ay libre ko. Tapos lahat ng joke at banat niya, kahit korni pilit kong tinatawanan para masaya.
DEANE: Yecats, fairy godmother ba kita ngayon?
AKO: Joke ba 'yan? Hahaha!
DEANE: (Natawa) Matinong tanong 'yun! Pero hindi nga? Lahat ng trip ko, approve mo ah.
AKO: Syempre, nagbabayad ako ng utang ko sa 'yo, 'di ba?
DEANE: Ow! Oo nga pala!
AKO: At tsaka peace offering na rin.
DEANE: Peace offering para saan?
AKO: Kasi nagtampo ako na akala ko nakalimutan mo na 'tong lakad natin para makasama mong tumambay si Amanda.
DEANE: (Natigilan. Nag-isip. Sandaling napatakip ng mukha)
AKO: Bakit?
DEANE: Parang... parang na-ano ako sa sinabi mo... (Sabay tawa) Nagseselos ka kay Amanda?
AKO: (Seryoso) Oo.
DEANE: (Nagulat) Ta—talaga?
AKO: Ako kasi ang best friend mo pero feeling ko mas close pa rin kayo.
DEANE: Ah... ahhh... 'yun pala... (Napakamot sa pisngi)
AKO: May pakapit-kapit pa siya sa braso mo. Ewan ko pero naiinis ako. Ginagawa 'yun ng magbi-bestfriend pero hindi natin ginagawa?
DEANE: E 'di gawin din natin! (Kinuha bigla ang kamay ko para ipakapit sa braso niya)
Kaso...
AKO: Ay... ang awkward pala nito, Deane. Para akong nakahawak lang sa poste.
DEANE: Ang sama mo! Hindi naman maliit braso ko ah!
AKO: Medyo kaya. (Bumitaw na sa kanya)
DEANE: E 'di ganito na lang... (Kinuha ulit ang kamay ko pero this time...) Kaya siguro hindi uso sa atin ang kapit-braso dahil mas bagay sa atin ang kapit-kamay!
AKO: Ha? Pero—
DEANE: Let's go! Approve mo lahat ng trip ko ngayon 'di ba kaya ituluy-tuloy mo na. Marami pa tayong sasakyang rides!
Gusto ko sanang sabihing parang mas awkward 'yung kapit-kamay. Pero bakit nga ba hindi ako bumitaw?
Pinakabog 'nun ang dibdib ko. Bawat lakad namin na magkahawak pa rin ang kamay, pabilis ng pabilis at palakas din ng palakas ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako pero hindi rin maalis sa mukha ko 'yung ngiti.
Tapos may na-realize ako. Ngayon alam ko na ang ganitong pakiramdam, parang ayaw ko nang bitawan pa ni Deane ang kamay ko. OMG! Ano ba 'tong pinagsusulat ko?
Natural lang 'to! Walang halong malisya! Walang halong malisya!