Monday na ulit. Tapos na ang 3 days na suspension ni Kasper at nakapasok na siya ulit. Kaso may nagbago na sa kanya. Ang tahimik niya. Hindi na siya makulit. Umiiwas siya sa lahat. Idagdag mo pa ang mga dati niyang kabarkada na ang sama na ng tingin sa kanya.
Lunch break, mag-isa lang siyang kumakain. 'Yung mga kabarkada niyang nasa kabilang table, nagkakasiyahan at nagpaparinig pa sa kanya. Mga naturingang lalaki!
DEANE: (Biglang hinarangan ang view ko kay Kasper) Oy!
AKO: (Natauhan) O?
DEANE: (Lumingon sandali sa direksyon ni Kasper. Tapos sa akin. Nag-isip) Masarap ba lunch mo?
AKO: Bakit mo natanong?
DEANE: Hindi ka kasi kumakain. Wala kang gana?
AKO: (Napayuko na lang)
Sino bang magkakagana habang nakikita mo ang isang tao na pinagkakatuwaan ng ganun? Naawa ako kay Kasper. Naaalala ko ang sarili ko sa kanya noon. Naalala ko 'yung mga ginawa sa akin nina Amanda.
DEANE: Yecats...
AKO: (Napatingin ulit sa kanya)
DEANE: Lipat tayo ng pwesto?
AKO: Huh? Saan?
Binibit ni Deane ang mga pagkain namin kaya napatayo na lang din akong sumunod sa kanya. Nagulat na lang ako dahil doon kami sa direksyon ni Kasper pumunta. Natahimik na nga rin ang mga 'kabarkada kuno' ni Kasper nang tignan sila ng masama ni Deane.
KASPER: Anong ginagawa niyo?
DEANE: Hindi makakain ng matino si Yecats dahil sa 'yo.
KASPER: Yecats?
AKO: A—ako 'yun.
DEANE: Gusto ni Yecats na simula ngayon, sa amin ka na sasabay.
KASPER: Ta—talaga, Yecats?
DEANE: At ako lang pwedeng tumawag sa kanya ng ganun. (Saka siya tumingin sa akin) Kain na, Yecats!
Noong time na 'yun, parang gusto kong yakapin si Deane pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Baka kung anong isipin niya eh. Pero grabe, ang bait niya talaga. Naalala ko ang ginawa ni Mel para sa akin noon. 'Yun din ang ginawa ni Deane ngayon.
Itong si Kasper naman, sa sobrang saya niya halos mabilaukan na sa pagkain. Simula ngayong araw na ito, officially naging friends na rin kami.