152: Foundation Week - Last Day

180K 2.8K 1K
                                    


TIME CHECK: 7:30 AM

Last day na ng Foundation Week ngayon kaya sadyang inagahan ko ang pagpasok. After lunch pa naman ang shift ko pero gusto kong sulitin ang kasiyahan sa araw na ito. Isa pa, naisip kong ituloy 'yung naudlot na pagru-room-to-room namin ng mga kaibigan ko.


TIME CHECK: 8:15 AM

Absent pa yata sina Kasper, Ara, Mina at Rose! Loko-loko 'yung apat na 'yun ha! Wala pa yata akong makakasama sa araw na 'to!

'Yung mga kaklase ko pa, nilagay ako sa hot seat at panay ang tanong at pa-chika tungkol sa nangyaring sagutan namin ni Amanda kahapon. Ang bilis talaga ng chismis!

Ang nakakapanibago lang, para bang natuwa pa sila sa ginawa ko. Tama lang daw na ipaglaban ko ang feelings ko. Isa pa, kami na nga raw kasi ang mas close ngayon ni Deane.

Ngunit isa pa sa ikinatutuwa ng mga classmates ko, normal na tao lang daw pala ako. Ngayon lang daw kasi nila nalaman na pwede raw pala akong sumigaw at magkagusto sa opposite sex. Nahiya naman din ako sa ka-weirduhan nila!


TIME CHECK: 9:50 AM

Hindi naman pala absent sina Kasper. Sadyang mga late lang kasi wala naman daw taga-check ng attendance!

Agad kong ikinwento sa kanila ang tungkol sa naging usapan namin ng mga classmates namin. Syempre, na-shock silang apat. Sunud-sunod na raw kasing himala ang nangyayari.

Una, 'yung pag-amin ko na may gusto ako kay Deane. Pangalawa, 'yung pag-stand up ko against Amanda. Pangatlo, 'yung pakiki-bonding ko na sa buong klase. Ano raw kaya ang susunod?

Ano nga kaya?


TIME CHECK: 11:30 AM

Lunch na. Sabay-sabay kaming kumain.


TIME CHECK: 12:45 PM

Nawawala na naman sina Kasper! Ang daya talaga nila, sumibat sa trabaho tapos hindi pa nila ako sinama! Ibang classmates ko tuloy ang sumalo sa mga dapat nilang trabaho.


TIME CHECK: 1:20 PM

Napadaan ulit si Liam sa room namin. Nang makita niyang nakabusangot ako dahil wala na naman ang mga kaibigan ko at hindi ko pa pwedeng iwan ang trabaho ko, siya na lang ang sumama sa akin.

LIAM: After nitong event, anong gagawin mo?

AKO: Hmmm... tutulong sa paglilinis.

LIAM: After mong tumulong maglinis?

AKO: Uuwi na siguro.

LIAM: Gusto mo sabay tayong mag-dinner.

AKO: (Napaisip)

LIAM: Hindi ka ba pwedeng gabihin? Last day naman na din ng Foundation Week. Tsaka pwede kitang ihatid pauwi sa inyo para—

AKO: Wait! Nag-iisip ako ng pwedeng kainan.

LIAM: (Natawa) Ibig sabihin, payag ka? Tuloy tayo mamaya?

AKO: (Tumango)

LIAM: (Mas nag-glow ang mukha)

AKO: Sabihan ko na rin sina Kasper.

LIAM: (Napakurap) Ka—kasama sila?

AKO: Oo. Para mas masaya.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon