Kaninang umaga bago nagsimula ang klase, nagpalitan na kami ni Deane ng listahan namin tungkol sa sarili. Pagdating ko sa loob ng classroom, habang wala pa ang teacher ay sinimulan ko na itong basahin.
1. Den-den ang nickname ko sa bahay namin. Secret lang natin 'to ah!
2. September 19, 1998 ang birthday ko. Tatandaan na niya 'yan! Hehe!
3. Virgo ang Zodiac sign ko. Ano sa 'yo? Compatible ba tayo? Kung hindi, ayos lang din. Hindi ako naniniwala sa Astrology.
4. Blood Type A
5. Height: 1.78 m /5'10
6. Blue ang favorite color ko.
7. Ang most embarrassing moment ko ay noong sinabi mong mukhang sungay ang nakuha kong bukol sa noo.
8. Second most embarrassing moment ay 'yung usapan natin doon sa hagdanan. Tungkol sa LBM? Tanda mo pa? Kung hindi, tsk! Sana pala hindi ko na isinulat 'to.
9. Celebrity crush: Emma Watson
10. School crush: Yecats Sevetse. Hehe.
11. Noong elementary ako, may pang-asar (pero hindi naman talaga nakakaasar) sa akin ang mga kaklase ko tungkol sa apelyido ko. "Carrasco. Binabasa nila na parang 'Karas Ko.' Na-gets mo ba? Parang 'Crush ko.' For example, Carrasco si Emma. Carrasco ikaw. Korni na. Sige.
12. Iron Man and Deadpool are the best!
13. Dragonball Z, One Piece at Shingeki No Kyojin ang mga paborito ko namang anime. Kumpleto ang manga collection ko ng mga 'yan.
14. Hindi ako humihilik kapag natutulog.
15. Pero minsan nagsasalita raw ako kapag tulog.
16. Kaliwete ako.
17. Ate's boy ako. Eight years ang agwat namin.
18. Kaming dalawa lang ang magkasama ni Ate ngayon dahil nagta-trabaho sa Canada ang parents namin. Every four months, umuuwi sila para mag-stay rito for a week. Tuwing pasko at bagong taon, kami naman ni Ate Jean ang nandoon sa Canada.
19. May sariling library si Ate Jean sa bahay. Nang minsang wala akong mabasa, pasekreto akong dumekwat sa mga libro niya. Nalaman kong ayos din pala ang taste niya sa mga libro kaya simula noon, patago na akong nakikibasa lalo na sa mga bagong librong binibili niya.
20. Pangarap kong makapagsulat kahit isang libro lang.
21. Trip ko ang amoy ng gasolina. Pero 'di ako adik ah!
22. Hindi ako magaling sa video games.
23. Noong bata pa raw ako, pinipilit ako ng nanay ko na sumali sa dance sport. Can you imagine na nagbo-ballroom dance ako? Hehe.
24. Idol ko si Nicolas Cage. Gustung-gusto ko ang mga movies niya.
25. Mas gusto ko ang tag-ulan kaysa tag-init.
26. Gusto ko ring matulog na sobrang lamig ang paligid para makapag-kumot ako ng makapal.
27. Minsan na akong sumubok na magkaroon ng summer job sa isang café na pagmamay-ari ng kaibigan ng parents ko. Pinag-waiter nila ako at pinasubok rin mag-barista.
28. Kaya kong umubos ng isang box ng pizza. Minsan nagpapaligsahan kami ni Ate Jean.
29. Mas hilig kong makinig lang ng music kaysa manood ng TV.
30. I support OPM music. Paborito ko ang Silent Sanctuary at Ymagesa (kaibigang banda ng Ate Jean ko noong college pa siya).
31. Favorite Songs: Sa 'yo by Silent Santuary, Lihim by Ymagesa.
32. Marunong akong mag-gitara.
33. Kumakanta ako kapag naliligo.
34. Noong bata pa ako, pinapanood ako ni Ate Jean ng pinoy horror movie na 'Tyanak.' Iyon lang ang naalala kong pinaka-kinatakutan kong palabas noon.
35. May butas ang kaliwang tainga ko. 9 years old ako noon nang isama ako ni Ate Jean sa university nila dahil foundation week. Iniwan niya lang ako sandali para bilhan ng pagkain. Doon ako napagtripan ng mga kaklase niya. Nang makabalik siya, naabutan niyang may suot na akong hikaw. 'Yun ang unang beses na nakita kong may binubog si Ate Jean at partida, mga lalaki pa ang mga 'yun.
36. Noong Grade 2 ako, may inuwi akong itik at pinangalanan itong Goku. Kinabukasan, patay na ito.
37. Noong Grade 4 ako, sumubok naman akong bumili ng sisiw na kulay blue. Vegeta naman ang ipinangalan ko sa kanya. Kaso namatay rin after two days.
38. Simula noon, hindi na ako nag-alaga ng hayop.
39. Inaasar nga ako ni Ate Jean na may dala raw akong kamalasan sa mga hayop kaya nga hindi niya ako pinapalapit sa alaga niyang si Barf. Wala rin akong balak! Tarantula kaya 'yun!
40. May puno ng alatiris sa likod ng bahay namin. Kapag wala akong makain, 'yun ang pinapapak ko. Pero ayoko ng masyadong hinog. Mas trip ko 'yung medyo green pa.
41. Favorite vegetable: Okra.
42. Favorite fruit: Atis.
43. Valedictorian ako noong elementary.
44. Kapag nasa bahay, mas gusto kong naka-paa lang ako.
45. Walang akong ka-edad dito sa street namin kaya nga medyo malungkot ang childhood ko. Isipin mo na lang, mag-isa akong naglalaro ng pogs, baril-barilan at piko noon!
46. Sa school lang ako nakakagawa ng mga kaibigan.
47. Pinapapak ko 'yung noodles na hindi pa luto.
48. Pumapapak din ako ng asin noong bata pa ako. Sobrang hilig ko talaga sa maaalat pero dahil nga dyan kaya nagkasakit ako. 'Wag tutularan.
49. Namimiss ko na ang potato chips.
50. Kung magkaka-girlfriend man ako ulit, gusto kong siya na rin ang last.
Bitin! 'Yun agad ang naisip ko. Bakit ba 50 facts lang hiningi ko? Bitin talaga eh. Pero nakakatuwa na malaman ang mga bagay na 'yun tungkol kay Deane. Napangiti ako bigla... at ngiting normal lang naman 'yun pero bigla na lang ako ginulat nina Ara, Mina at Rose.
ARA: Hoy! Ano 'yan?
MINA: Love letter ba 'yan?
ROSE: Kinikilig si Stacey!
AKO: O—oy hindi ah!
ARA, MINA, ROSE: Ayiiiieh!
Hala! Mel, sinaniban mo ba ang tatlong 'yan? Lakas-trip! Lintek! Buti na nga lang, nagsimula na ang klase at nakaligtas ako sa pang-aasar nila. Isiniksik ko namang maigi 'yung papel sa journal ko para hindi ito mawala.