Halos mag-iisang linggo na nang mapag-usapan namin ni Deane ang tungkol kay Sticky Guy. Mag-iisang linggo na pero hindi pa rin ito nagpaparamdam. Hindi kaya natauhan na iyon at wala na talagang balak magpakilala?
Hindi ko naman siya hinihintay. At magpakilala man siya o hindi, matagal ko nang naihanda ang sarili ko.
AKO: (Nagbabasa lang at kunwaring nakikinig ng music gamit ang earphones)
KASPER: (Pasimpleng bumubulong kay Deane) Sige na pards. Kahit sa akin mo na lang sabihin. Sino ba talaga si Sticky Guy?
ARA: (Narinig si Kasper kaya nakibulong na rin) Bakit kayo lang? Gusto ko rin malaman.
MINA: (Nakahalata kay Ara) Grabe kayo ah. Share naman dyan.
ROSE: (Sumunod kay Mina) 'Wag niyo akong kalimutan. Umamin ka na kasi, Deane.
DEANE: Guys, si Yecats nga hindi namimilit.
KASPER, ARA, MINA & ROSE: (Napatingin sa direksyon ko)
AKO: (Kunwaring wala pa ring naririnig. No comment)
DEANE: Wala ako sa posisyon para pangunahan siya.
MINA: Pero magtatapat na ba talaga siya ng personal?
ROSE: May nakahanda na ba siyang plano?
DEANE: Baka. Siguro. Ewan ko.
ARA: Anong ewan mo?
KASPER: May oras pa. Pwede pa nating isabutahe 'yun!
Sabay-sabay silang napa-'Sheeesh' kaya napatakip ng bibig niya si Kasper. Agad din silang napatingin ulit sa direksyon ko.
AKO: (Tumayo) Pupunta ako sa cafeteria. May gusto kayong ipabili?
SILANG LAHAT: (Natulala sa akin. Umiling)
AKO: (Patay-malisya. Umalis na)
Iniwan ko sila dahil sa totoo lang, nao-awkward ako sa pinag-uusapan nila. Tapos ang hirap pang magkunwari na hindi ko sila naririnig.
Pagdating ko sa cafeteria, nagtungo ako agad sa stall ng potato chips. Ang tagal ko ring kinontrol ag sarili ko na 'wag kumain 'nun pero ngayong araw, hindi ako magtitiis! Kamalas-malasan lang, wala na akong naabutan kahit isang balot man lang. Pati Jungle juice nga, wala ring malamig.
Nakaka-broken-hearted 'to ah. Malungkot na sana akong babalik sa mga kasama ko nang may biglang humarang sa daraanan ko. May hawak pa siyang potato chips at Jungle juice. Nang-aasar lang?
Naglakad ako sa may gilid, pero 'yun din ang ginawa niya. Lipat ako sa kabilang gilid pero nagkaharangan pa rin kami. 'Yung totoo? Patintero sa cafeteria? Eh ang laki-laki ng daan!
Tumigil na lang ako sa paggalaw para mauna na siyang dumaan. Pero nananadya nga yata talaga siya dahil tumayo na lang din siya sa harap ko. Tumingin na ako sa mukha ni schoolmate na paharang-harang. Si Liam pala, ang dating classmate ko.
Balak kong bumawi sa ginawa ko noong nakaraan at babatiin ko na sana siya, kaso bigla na lang niyang inabot sa akin ang hawak niyang potato chips at Jungle juice. May kasama pa itong pink sticky note, 'Liam Torres nga pala. Ang secret admirer mo since last year pa.'
Nablangko ako bigla.
Uh... oh.
TO BE CONTINUED...
Aegyo's Note: Please. 'Wag pong maging spoiler sa comment box. Maging considerate sana tayo sa ibang readers. Thankies!