Kahit disqualified ang PC & JJ Band dahil sa pagsibat ni Deane noong performance nila, makikitang pinag-uusapan pa rin ito online ng mga taga-school at lahat ng mga nakapanood sa Batte of the Bands. Heto nga't nanghingi na rin ako ng lyrics para hindi lang 'yung chorus ang kabisado ko.
'Lihim' by Ymagesa
Sa isang iglap na lang, ako'y matutunaw.
Sa sarili kong tingin patungo sa'yo.
At sa bawat beses na ika'y dumaraan,
Hangad ko lang na ika'y masulyapan.
Mabatid lamang ang syang nilalaman,
Nitong aking isipan.
'Wag na lamang kausapin, walang masasabi.
Unti-unti ma'y ikukubli ang sarili.
Hindi naman makaabot kung ikaw ay lalabas,
At 'di makahintay sa iyong pagdating,
Aasa ba o wag na lang kaya.
Chorus:
Alam mo bang ako'y mayrong nililihim sa iyo,
Na hanggang ngayon ay 'di pa rin masabi ng direcho.
Itinatago sa hangin ngunit ngayo'y ikaw pa rin.
Ano ba'ng maaaring gawin ng isang 'di maka-imik?
Tanong na sana'y hindi na mabitin.
'Pag ikaw ay namasdan ay tila nasindihan,
Ang pagsibol ng isang pag-asa.
Kung iyong mamarapatin sana
Na ako ay pagbigyan.
(Repeat Chorus)
'Wag ka munang aalis, pakinggan mo lang aking tinig,
Kung lalayo ka ng pagtingin ay hindi maririnig.
(Repeat Chorus 2x)
Meron din kayang repeat that moment? Wala lang, hanggang ngayon kasi, 'yun pa rin ang naiisip ko. Ang saya! Nai-LSS ako sa kantang ito!
- - - - -
[Aegyo's Note: Totoong banda ang Ymagesa at orihinal po nilang kanta ang 'Lihim' (Near Heaven album, Ivory Records 2008). Ang kantang ito ang naging isa sa mga inpirasyon ko para isulat ang buong kwento. Lagi ko itong pinapakinggan tuwing nagta-type ako kaya gusto ko ring mapakinggan niyo na ito. Nasa multimedia lamang po ang promotional video na ginawa ko para sa Lovelife. Enjoy watching and listening to the music.
Maraming salamat din sa kaibigan kong si Terence Sid Lelis sa pagpayag niyang gamitin kong theme song ang kanta nila para sa kwentong ito. Yes, totoong tao po si Kuya Terence, *fangirl mode* Waaaah!]