'Di na talaga mapipigilan ang mga 4th year students para makapag-propose. Napanood ko na yata lahat ng klase ng gimik na pwede nilang gawin para mapasagot ng matamis na oo ang gusto nilang maka-date.
So far, ang tingin kong pinaka-bonggang pakulo na napanood namin ay mula sa dating classmate ko sa last section. Mantakin mong kinunchaba niya ang buong klase nila na humilera at kumanta na parang choir. Nagsaboy pa sila ng rose petals and confetti sa daan.
Naging successful naman ang proposal niya. Ang saya nilang lahat at kahit 'yung mga nakikinood lang ay kilig na kilig din. Maging ako, parang tinatablan na rin.
Nabago lang ang mood ng lahat nang mapadaan si Amanda. Mag-isa lang siya, walang kasama. Nakasimangot ito, masama ang tingin sa buong last section at paglapit niya sa kanila, agad silang pinagsabihan nito, "Pakalat-kalat na nga kayo, ang ingay-ingay niyo pa. Kapag napadaan ako ulit dito, gusto ko wala na 'tong mga basura niyo."
Sunod na napadaan siya sa direksyon namin. Inirapan niya ang buong grupo namin pero pagdating sa amin ni Deane, umiwas na siya ng tingin ngunit taas-noo namang naglakad na paalis. Napikon nga si Ara at kamuntikan na siyang habulin ng kalmot, buti na lang napigilan siya ng boyfriend niyang si Kasper.
"Grabe talaga ang tunay na ugali ng babaeng 'yan."
"I can't believe na napaniwala akong mabait siya."
"Bitter pa! Palibhasa, alam na niyang hindi na siya babalikan ni Deane."
"Buti nga sa kanya na napahiya siya noong araw na 'yun!"
"Magdusa siya sa pag-iisa niya."
Ilan naman 'yan sa mga usapan ng iba pang estudyante na ngayon ay galit na rin kay Amanda. Matapos ng Foundation Week, parang nawalan na talaga siya ng kakampi at kahit 'yung mga dati niyang 'kaibigan' ay hindi na rin talaga siya binalikan. Nakadagdag pa sa inis ng lahat ang pagpapanggap niyang may pilay para kaawaan.
Hindi ko naman alam kung iyon nga ba ang karmang nababagay kay Amanda. Hindi ako masaya siguro dahil alam ko kung ano rin 'yung feeling ng pagiging outcast. Mukha lang na matatag at walang pake pero sa totoo lang, nakakalungkot 'yun.
Pero maski si Deane, nang tanungin ko kung dapat ba naming kausapin si Amanda, simple at direcho lang ang sinagot nito sa akin.
DEANE: Hindi ako papayag, Yecats. Sigurado ako na mas pagbubuntunan ka lang niya ng galit kapag kinausap mo siya.
AKO: Ikaw na lang kaya? Baka makinig siya sa'yo.
DEANE: Ayoko rin. Masama pa loob ko sa kanya sa ginawa niya sa atin, lalo na sa'yo.
So ayun. Kahit sina Kasper, Ara, Mina at Rose, gusto na pabayaan na lang daw muna namin si Amanda para matuto ito sa mga kasalanan niya. May point naman sila kaya mas mabuting makinig na lang din muna ako sa kanila.