85: Aftershock

155K 3K 224
                                    


Sorry for this unexpected continuation. Akala ko kasi happy ending na... may sequel pa pala.

Noong uwian na, hindi na nagsayang pa ng oras si Kasper sa pagporma at nagprisinta agad na ihatid si Ara. As usual, sabay naman sina Mina at Rose kaya nauna na silang umalis.

Kaming dalawa na lang tuloy ni Deane ang naiwan at magkasabay.

DEANE: Yecats, 'yung utang mo nga pala sa akin...

AKO: Anong utang?

DEANE: Nakalimutan mo agad? (Saka niya itinuro ang mga sugat niya na hanggang ngayon ay naka-band-aid pa rin)

AKO: Ahh! Okay. Magpapalibre ka ng pamasahe pauwi ngayon?

DEANE: Hindi! (Huminga muna ng malalim) Sa Sabado, magkita tayo. 'Yun ang bayad mo sa utang mo sa akin.

AKO: Eh anong gagawin natin?

DEANE: Pasyal lang. Ganun. 'Yung parang ginawa natin kasama sina Kasper at Ara noon.

AKO: Hmm, sige iti-text ko sila. Kasama na rin sina Mina at Rose, 'di ba?

DEANE: 'Wag! (Sabay hablot niya sa phone ko) Tayong dalawa lang.

AKO: (Natigilan)

DEANE: (Kunwaring umubo. Ibinalik na ulit sa akin ang phone ko. Sabay iwas ng tingin)

AKO: Umm... bakit tayong dalawa lang?

DEANE: (Nag-isip ng mga five seconds) E 'di ba ikaw lang naman ang may utang sa akin? Kaya maaga ka nang magpaalam kina tito at tita. At susunduin kita sa inyo.

Hindi pa man ako nakakapag-react ulit, ginulo na lang ni Deane ang buhok at saka na siya nagpaalam.

So paano naging sequel ang eksenang ito? 'Yung kabog kasi sa dibdib ko. Ang abnormal niya masyado! 'Yung naramdaman ko kanina sa pagtatapat ni Kasper at Ara, parang naramdaman ko ulit ngayon.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito. Hindi naman siguro ako kinikilig kay Deane! Oh no no no no! Hindi pwede at impossible!

So baka aftershock lang ito? Oo, wala na talaga akong nakikitang ibang dahilan kundi iyon lang. Aftershock. Kaya kalma lang, Stacey. Pasasaan pa at lilipas din 'to.





Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon