Feel kong mag-potato chips ngayon dahil miss na miss ko na ito. Noong recess habang ang mga kasama ko ay todo-effort pa rin sa pade-decorate ng room namin, pasimple akong tumakas papuntang cafeteria. Balak ko na doon na rin kainin 'yun dahil kapag nakita naman ni Deane, mainggit at manghingi pa.
Sa pila sa harap ng cashier, napansin kong may parang anino sa gilid ko. Nang lingunin ko, si Liam lang pala.
LIAM: Hi, Stace!
AKO: Kanina ka pa dyan?
LIAM: (Ngumiti) Oo.
AKO: Inii-stalk mo ba ako? Creepy mo talaga.
LIAM: Grabe ka naman. (Yumuko at na-depress)
Hindi ako bully pero kapag nakikita ko ang depressed look ni Liam, natatawa talaga ako. Matapos kong bilhin 'yung potato chips, binuksan ko na ito agad at sinimulang kainin. Nakaka-ilang lang, nakasunod pa rin pala sa akin si Liam na nakatingin sa kinakain ko.
AKO: 'Wag mo nga akong sundan.
LIAM: Paakyat na rin ako sa room namin. Tutulong ako sa pagde-decorate.
AKO: Eh bakit nakatingin ka sa kinakain ko?
LIAM: Nakakatakam lang.
AKO: Madamot ako sa potato chips kaya kung may balak kang manghingi, pasensya ka na. Bumili ka ng iyo.
LIAM: (Natawa) Noon pa man, mahilig ka na talaga dyan, noh?
AKO: (Tumango)
LIAM: Nagtataka nga ako kung bakit nitong mga nakaraang linggo, hindi ka na madalas kumakain niyan.
AKO: Bawal kasi kay Deane ang maaalat. Baka mainggit siya kapag nakita niyang kumakain ako nito kaya inuubos ko na rin ngayon.
LIAM: (Sandaling natahimik) Naiinggit rin ako kay Deane.
AKO: Bakit naman?
LIAM: Kasi mas nauna ka niyang lapitan kaysa sa akin. Siguro kung ako ang unang nakipag-kaibigan sa 'yo, ako rin ang mas close mo ngayon.
Napaisip din ako 'nun. Siguro nga kung hindi ako nilapitan at kinulit-kulit noon ni Deane, hindi kami aabot sa ganito ngayon. Hindi rin ako magiging ganito ngayon.
Nang makaakyat na kami sa floor namin, sabay pa rin kami ni Liam na pinag-uusapan si Deane. Natigilan lang kami nang saktong masalubong namin siya. Nagpanic nga ako kasi hindi ko pa nauubos 'yung potato chips na binili ko.
DEANE: (Lumapit sa amin. Tumingin muna siya kay Liam tapos sa akin) Tumakas ka papuntang cafeteria para bumili ng potato chips?
AKO: Ah... eh...
LIAM: (Hinablot ang potato chips ko) Actually, sa 'kin 'to. Shini-share ko lang sa kanya. (Saka tumingin sa akin at pasimpleng kumindat) Sige Stace, una na ako.
Waaaah! Ninakaw ni Liam ang potato chips ko! Pero pasalamat na din ako dahil noong kinuha niya 'yun, hindi na nakahingi si Deane. Kaso mukhang dahil din doon kaya na-badtrip siya.
DEANE: Hindi ako naniniwalang sa kanya ang potato chips na 'yun. (Sabay irap sa akin)
AKO: (No comment)
DEANE: Tch! At tsaka anong tinawag niya sa 'yo? Stace?
AKO: (No comment)
Buong araw, nagmaktol si Deane tungkol sa 'Stace' na 'yun. Ewan ko ba pero natatawa na lang din ako. Para kasing nagseselos siya. Teka... tama ba 'tong sinulat ko? Nagseselos siya? Parang tulad ng nararamdaman ko kay Amanda? Nagseselos siya kay Liam? Pero hindi rin. Hindi siguro. Ayokong mag-assume. Nakakahiya 'tong sinusulat ko!