1. Kagabi pa lang sa secret convo namin nina Kasper, Ara, Mina at Rose, napagkasunduan namin na as much as possible ay 'wag nang haluan ng drama ang araw na ito. Ito ang despedida namin kay Deane. Gusto namin na bago ang alis niya bukas ay masaya siya.
Kaya naman matinding paghahanda rin ang ginawa ko. Kinundisyon ko ang sarili ko na puro ngiti at tawa lang ang gagawin sa buong araw na makakasama namin siya.
2. Alas-ocho nang magkita-kita na kami. Ako na naman ang nauna sa meeting place namin. Himala naman na on-time nang nakarating sina Kasper at Ara na kasabay sina Mina at Rose. Si Deane ang pinakahuling dumating at pare-pareho kaming nagulat sa t-shirt na suot niya... na kagaya rin sa t-shirt na suot ko naman ngayon.
Doon sa entry #75, naisulat ko 'yung oras na sabay naming pagbili ng white shirt na may potato chips design. Ang tagal na namin itong nabili ngunit ni minsan ay hindi ko pa nakitang nasuot ni Deane ang sa kanya. Ako naman, first time ko lang talagang naisipan itong suotin.
Kaya nga nakaka-shock talaga na sa dinami-dami ng pagkakataon, sabay pa naming naisipan na suotin ito. Ang aga-aga, naging tampulan tuloy kami agad ng panunukso.
KASPER: Umamin na kayo! Nag-usap kayo eh!
DEANE & AKO: Hindi!
KASPER: Ibig sabihin, kayo na?
DEANE: Hindi rin. Ano bang pinagsasabi niyo?
AKO: Nagkataon lang 'to.
MINA: Bakit defensive kayo?
KASPER: 'Wag na kasing magkaila because I can smell something chocolatey!
ROSE: Chocolatey?
KASPER: Masagwa kasi kapag 'fishy' kaya 'chocolatey' para sweet!
DEANE: Mema-sabi ka na naman, pards.
KASPER: 'Wag mong nililihis ang usapan! Pero couple shirt talaga 'yan!
SILANG LAHAT: Couple shirt! Couple shirt! Couple shirt!
DEANE & AKO: Hindi nga 'to couple shirt!
ARA: Pero destiny na ang gumawa ng paraan para masuot niyo ng sabay 'yan!
SILANG LAHAT: Destiny! Destiny! Destiny!
Two versus four. Talagang lugi kami ni Deane kapag nagtulungan na sina Kasper, Ara, Mina at Rose. Pero at least, ganito ang panimula ng umaga namin.
3. Bumyahe na ang grupo patungo sa unang lugar na request ni Deane—sa Otherworld Paradise ulit! Gusto niya raw kasi na maranasan ng buong grupo ang saya na naranasan namin noong una kaming nakapunta roon. Ngunit nang mabanggit naman niya ang tungkol doon, agad na nagsimula ang round 2 ng pang-aasar.
ARA: Ibig sabihin, nakapag-date na kayo roon?
KASPER: At hindi man lang tayo sinabihan.
AKO: Hindi 'yun date.
MINA: Pero bakit hindi niyo kami isinama?
DEANE: Dalawa lang 'yung ticket na mayroon ako noon.
ROSE: Ang sabihin mo, para-paraan ka!
SILANG LAHAT: Para-paraan! Para-paraan! Para-paraan!
4. After naming magpakasawang sakyan lahat ng rides, ibang lugar naman ang gusto nilang pagtambayan. Muli, hinayaan namin si Deane na mamili ng lugar kaya sa videokehan ang sunod naming pinuntahan.