162: School Retreat - Day 1

142K 2.4K 339
                                    


1. Madaling araw pa lang nang ihatid na ako nina Mama at Papa sa school para sa retreat namin na magsisimula ngayong araw. Natawa ako sa dami ng paalala at habilin nila sa akin. Akala mo mangingibang bansa ako at matagal na mawawala. Sa Laguna lang naman ang retreat camp na pupuntahan namin.


2. Pagdating sa school, naabutan na namin ang dalawang tourist buses na 60 seater ang capacity bawat isa. Pagkakasyahin doon ang three graduating sections pati na rin ang mga makakasama naming advisers at ilang teachers. Ang laki lang ng saya ko nang malaman na ang makaka-share namin ng bus ay ang section nina Deane dahil ang ibig sabihin, makakakulitan namin siya buong byahe.


3. Magsi-six na, pero hindi pa rin dumadating si Deane. Nag-roll call na nga ang mga teachers sa bawat section pero noong tawagin na ang pangalan niya ng adviser nila, walang sumagot.

KASPER: Tsk! Late pa yata si pards.

ARA: Na-text mo na ba, Stacey?

AKO: Hindi siya nagri-reply eh. Kahit tawag, hindi sinasagot.

MINA: (Umakbay sa akin) Pupunta 'yun. Baka na-traffic lang.

ROSE: Ipag-reserve na lang din natin siya ng upuan sa tabi mo.


4. Nang isa-isa na kaming pinaakyat sa loob ng bus, mas lalo lang akong kinabahan. Unti-unti nang napupuno ang sasakyan namin pero wala pa rin siya. Kung anu-ano na naiisip ko.

Hindi kaya sa kabilang bus siya napunta? Pero hindi naman shunga si Deane.

O talaga bang hindi na siya matutuloy? Pero siya kaya ang pinaka-excited sa retreat na ito.


5. Naramdaman na namin ang pag-andar ng bus. Hindi na rin ako makausap ng mga kaibigan ko dahil sa pag-aalala ko. Ngunit ilang sandali pa, may narinig kaming busina ng isang sasakyan at nang silipin namin sa bintana, nakita naming bumaba si Deane na nagmamadali.

KASPER: Ayun na si pards!

Napangiti na ako... kaso hindi rin naman nagtagal 'yun kasi sa kabilang bus siya tumakbo. Okay, shunga nga talaga si Deane.

Kahit anong sigaw at pagtawag namin sa pangalan niya, hindi na niya narinig. Napagalitan pa kami ng mga kasama naming teachers at sabi na sa kabilang bus na sasabay si Deane. Natuloy ang byahe nang hindi namin siya kasama.


6. Gising na gising ang mga kasama ko. Kanya-kanyang kwentuhan tungkol sa mga plano nila pagdating namin doon sa camp. Ako naman, tahimik lang habang nakadungaw sa bintana.

Ngayon ako kinukulit sa text ni Deane pero gumanti ako ng hindi pagri-reply sa kanya. Kainis eh. Tapos noong tumawag na rin, pinatayan ko na ng phone. Bahala siya.


7. Habang tuluy-tuloy ang byahe sa may highway, saktong nakasabay na namin 'yung kabilang bus. Nakita namin ulit si Deane na nakadungaw rin sa bintana at nakatingin sa direksyon namin. Kapansin-pansin na parang noong una ang lungkot niya pero naging masaya din nang makita niya kami.

KASPER: Pards! Pards ko!

MINA: Ano ba 'yan, Kasper! Hinaan mo lang boses mo. Pagagalitan na naman tayo nina ma'am eh.

ARA: Mukhang ang lungkot niya mag-isa dun.

ROSE: Wala siyang kakilala dun eh. Tsaka 'di kasama si Stacey. Haha!

KASPER: (Bigla nangalabit) Stacey, tinuturo ka niya. Tinatawag ka.

AKO: (Tumingin na sa direksyon ni Deane)

DEANE: (Kumaway sa akin sabay turo sa phone niya. Parang sinabing tatawagan niya ako)

AKO: (Inirapan ko lang siya sabay harang na sa kurtina ng bintana ko)

ARA: Ay? May LQ Stacey?

AKO: (No comment)


8. After almost three hours, nakarating na kami ng Laguna. Napawi ang nakakangawit na byahe sa ganda ng lugar. Isa-isa na kaming pinababa bitbit ang mga bag na dala namin at pagtapak na patapak ko pa lang sa lupa, sinalubong na ako ni Deane.

DEANE: Yecats!

KASPER: (Sumalubong) Pards!

DEANE: (Hinawi si Kasper) Hindi ikaw! Si Yecats! (Lumapit na sa akin) Yecats!

AKO: (Tumingin lang sa kanya. No comment)

DEANE: Hindi ka nagre-reply. In-off mo pa phone mo. 'Wag ka na magalit sa akin.

AKO: (No comment pa rin)

ARA: Bakit ka ba na-late?

DEANE: Late ng gising. Napuyat ako kagabi dala ng sobrang excitement ko para sa araw na 'to.

MINA: Ayun naman pala, pero bakit hindi ka naman rin nagre-reply sa mga texts ni Stacey kanina?

DEANE: Nakalimutan ko na i-check ang phone ko sa pagmamadali namin ni Ate Jean.

ROSE: Alam mo bang alalang-alala si Stacey! Lagot ka!

AKO: Hindi ah.

DEANE: Yecats! Pansinin mo na ako!

AKO: (No comment pa rin pagdating sa kanya)


9. Para sa breakfast, tapsilog with kape ang hinanda para sa amin. Pero para sa akin, may kasama itong potato chips na galing naman kay Deane.

DEANE: Yecats!

AKO: (Tahimik lang na kumakain)

DEANE: (Naupo sa harap ko kasi ayaw siya pasingitin nina Mina at Rose) Potato chips oh. Bati na tayo.

ARA: Ang aga-aga, chichirya agad!

DEANE: Peace offering lang. (At tumingin ulit sa akin) Pero tama si Ara. Mamaya mo pa 'to pwedeng kainin kasi maaga pa nga.

KASPER: E 'di mamaya ka na lang din dapat niya kausapin.

DEANE: Epal mo. (Sumimangot na parang bata) Sorry na kasi, Yecats.

MINA: (Bumulong sa kanan ko) Patawarin mo na, kawawa na eh.

ROSE: (Bumulong sa kaliwa ko) Oo nga. Tignan mo, hindi pa yata kumakain 'yan.

DEANE: Yecats...

AKO: Oo na, sige na.

DEANE: Bati na tayo?

AKO: Oo nga.

DEANE: Ngitian mo muna ako.

AKO: Abuso ka ha.

DEANE: Ngiti lang eh.

AKO: (Inirapan ko na lang siya pero deep inside, nangingiti na rin talaga ako)


10. Sa huli, hindi ko rin naman talaga kayang tiisin si Deane. Actually, nagpapasuyo lang talaga ako. Nasabi rin kasi sa akin nina Kasper, Ara, Mina at Rose na siguradong bibigyan niya ulit ako ng potato chips pang-peace offering nga at hindi nga naman sila nagkamali. Nalibre ako ng snack! Hahaha!

At tsaka naisip ko lang din, hindi ko sasayangin ang unang araw nitong retreat namin nang hindi kami nagba-bonding! Gusto kong maging masaya at memorable ito para sa amin. At ang promise ko, I'll make every second count.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon