Nagpasama kanina si Mama na mag-grocery. Kaso pagdating namin sa supermarket, nakasalubong naman niya ang isang amiga na mahilig sa chika. Nang magsimula na silang mag-usap, hindi na ako nakasingit. Tiyak kong aabutin ng siyam-siyam ang kwentuhan nila kaya nga hiningi ko na ang grocery list mula kay Mama.
Higit kalahating oras ang lumipas, napuno ko na 'yung cart namin. Sa sobrang bigat at hirap na nitong itulak, 'di sinasadyang nasagi ko 'yung tore ng sardinas nila! Sa ingay ng mga nagbagsakang de lata sa sahig, pinagtinginan ako ng mga tao.
Dali-dali ko namang pinulot ang mga iyon pero bumubulong-bulong na rin ako sa sarili. "Lintek na tore 'to! Sa dami ng pwesto, bakit dito pa kasi? Sino bang hinayupak ang nagtayo ng toreâsss..."
May tumulong sa akin. Si Torres! Liam Torres! Juice ko po! Bakit ang liit ng mundo?
"Ayos ka lang ba?"
"Ha... umm... oo..."
Matapos naming ayusin ang mga de lata, nag-bow ako sa kanya bilang pasasalamat. Umalis din ako agad. 'Yung cart na ang hirap na hirap akong itulak kanina, biglang gumaan sa pagmamadali ko.
Nang balikan ko na si Mama, nagulat siya na kumpleto ko na ang nasa listahan. Pero nagpaalam din ako sa kanya...
"Mama, okay lang ba kung mauna ka na? May nasalubong din ako kakilala kanina."
"Si Deane ba?" nagtwinkle bigla ang mga mata ni Mama.
"Jowa niya?" usyoso naman ng amiga niya.
"Ibang tao po. Kakausapin ko lang at uuwi rin ako agad."
Pinayagan na ako ni Mama at inabutan ng pamasahe ko pauwi. Saka ko muling hinanap sa buong lugar si Liam. Muli kaming nagkita at sa pagkakataong iyon, sinabi ko sa kanyang handa na talaga akong kausapin siya.
TO BE CONTINUED...