Hindi ko napansin ang mabilis na paglipas ng panahon. Wala naman kasing ibang exciting na nangyari saakin noong first year ako—so ngayon na lang ulit ako makakapagsulat... ngayong second year high school na ako.
Hahaha! Nakakatamad naman kasi magsulat araw-araw sa journal. At tulad nga ng sinabi ko, walang exciting na nangyayari. Baka paulit-ulit lang ang maisulat ko at kapag dumating ang panahon na kailangan kong mag-backread sa mga sinulat ko rito ay mabagot lang ako sa pagbabasa. Hay!
Ito na lang ang ichi-chika ko, kami-kami pa rin pala ng mga kaklase ko. Last section noong first year, last section pa rin ngayong second year.
Don't get me wrong! Nasa last section ako hindi dahil mahina ang utak ko. Pala-aral kaya ako at matataas ang scores ko tuwing exam! Ang tanging dahilan kung bakit hindi pa rin ganun kataas ang grades ko ay dahil zero ako sa recitation.
Tahimik akong tao. Isang tanong—kadalasan walang sagot o walang imik. Ayaw na ayaw kong nagpa-participate kapag may class discussion. Kapag reporting sa harap, uma-absent ako. Zero rin ako sa extra-curricular activities. Hindi ako pala-salita at mas lalong hindi ako pala-kaibigan.
Ang dami ko na ngang naririnig na nicknames ko like 'weird', 'nerd', 'loner' or 'mute'. Pero di bale nang matawag na ganun kaysa ipagsiksikan ko ang sarili sa kanila. Kapag nakikipag-usap naman kasi ako, walang kinalaman sa subjects ang gusto nilang topic. Usapang lovelife! Nakakaturete!