I was still thinking about Kent. So it was his birhday huh? Ibang klase din si devil hindi padin ako makapaniwala na may natatago siyang kabaitan. To think na he chose to celebrate with the elders.
He got me there. he's not that bad after all.
Masaya din ako na kahit papaano, may nabigay ako para sa birthday
niya. Yung oras ko. Pero sapat na ba yung regalo? Ni wala nga akong kamalay malay kahapon, ni hindi ko din siya nabati.Ano bang iniisip mo Yuri?! Why do you care so much?
"Ano bang iniisip mo jan Severina?!" Natauhan ako nung bigla nalang ako sigawan ni Kahi.
"Ha?" Blankong sagot ko. Kakabalik ko lang kasi sa realidad kaya wala akong kamalay malay sa sinasabi ni Kahi.
"Tinatanong kita kung ano bang iniisip mo. Ay mali, let me rephrase that. Sino ang iniisip mo?" May halong pangaasar na sabi niya.
Natahimik ako. Paano kasi si devil yung iniisip ko, baka kung ano pang isipin netong bff ko.
"Wala akong iniisip." sabay iwas ko ng tingin.
"Ok sabi mo eh" she shrugged her shoulders.
"Kahi. Uh--" itatanong ko ba? Kung malaman ko yung sagot gagawin ko ba? Aish! Bahala na!
"Ano yun?"
"Tingin mo, ano magandang regalo?" Nahihiyang tanong ko.
"Depende sa pagbibigyan mo. Para kanino ba?"
Uh-oh. Sasabihin ko ba? Pero tiyak kasi na hindi niya ako tatantanan. Gusto ko lang naman may mabigay sakanya. Na amaze kasi ako na nagbibirthday pala ang tulad niya. Akala ko kasi basta na lang siya pinatapon ng langit palibhasa kasi hindi siya pwede dun.
"Ah-eh-ah-eh---kay ano.."
"KAHI!!!" Biglang dumating si Kirby dahilan para hindi matuloy yung sasabihin ko. Buti nalang!
Tumabi siya agad sa table namin ni Kahi na may dalang pagkain. Nandito kasi kami sa cafeteria.
"O bakit ka nandito? Hindi ko maalalang tinawag kita." masungit na bungad ni Kahi.
"Na miss kasi kita eh" deretsong sagot ni Kirby sabay ngiti.
"Ewan ko sayo! Wala ka talagang kakwenta kwentang kausap!" Hala! Nangangamatis na si bestfriend!
"Kinikilig ka lang eh! Aminin mo na kasi, nahuhulog ka na ulit sakin no? Wag kang magalala, sasaluhin naman kita eh" sabay kindat ni Kirby kay Kahi.
Ako na out of place. Third wheel lang.
"Ang dami mong alam! Bakit ka ba nandito? Nasaan yung mga kaibigan mo ha?" Kahi shifted the topic.
Hindi pa niya siguro alam na hindi sila magkakaayos ngayon. Lalo na si Kent at Nico.
"Si Nico papasok palang siya. Kagigising lang ng loko eh."
Then my phone suddenly beeps.
Speaking of Nico.
From: Nicolo ❤️
Just woke up. Sorry I didn't pick you up. See you later ;)Bigla naman akong kinilig. Did he just winked at me? Ang sweet niya talaga. It's nice to know na naiisip niya ako pagkagising niya.
"Eh yung demonyito?" Bumaling yung atensyon ko sakanila nung nagsalita si Kahi. Nagiging famous na ang bansag ko kay devil infairness.
"Ewan. Siguro may hangover pa. Birthday kasi niya kahapon eh" Kirby simply said while munching on his burger.
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...