Unti unti kong minulat yung mata ko. Waaaahhhh! Ang sakit ng ulo ko! Huhuhu!
Hala! Nabagok ba ako kagabi? Naaksidente? Bakit ganito siya kasakit?!
Inikot ng mata ko yung paligid...
Teka, hindi ko to kwarto ah. Nasan ako?!
"Buti naman gising ka na" lumingon ako sa gilid ko at at....
"DEVIL?!" Sigaw ko.
Si devil prenteng prenteng nakaupo sa sofa tapos nakabathrobe.
Nakabathrobe?! Nakabathrobe lang siya?!
Tinignan ko yung sarili ko, at at... Iba yung mga damit na suot ko.
"ANONG GINAWA MO SAKIN!!!!???" Kinuha ko agad yung kumot at pinantakip sa sarili ko. "Pyeonte!!! Pyeonte!!! Pyeonte!!!" (Pervert) Naging hysterical ako at nagsisisigaw.
Devil jumped into my bed at agad na tinakpan yung bibig ko.
"Wag ka ngang maingay! Umagang umaga!" Pinandilatan niya ako. Kinagat ko naman yung kamay niya. "ARAY! Baliw ka naba?!"
"Ako baliw? Siraulo ka pala eh! Anong gusto mo? Matuwa ako? Matuwa ako na yung pinakaiingat ingatan ko sa 17 years eh napunta sayo?!!! Bastos ka talaga! Pyeonte!!! Pyeonte!" Pinagpapalo ko siya.
"Aray. Fvck! STOP!" Hinawakan niya yung mga kamay ko and locked me in the headboard. Ang lapit ng mukha niya.
"Anong ginagawa mo devil? Hindi pa ba sapat? Na nakuha mo na? Parang awa mo na, wag. Wag." Pagmamakaawa ko.
Biglang tumawa si devil ng napakalakas. At proud pa siya sa ginawa niya? Ang kapal ng mukha niya.
"Ipapakulong kita devil." I sulked.
"Hahahha! Sige ipakulong mo yung taong nagalaga sayo dahil lasing ka."
Natauhan naman ako bigla. Nagalaga sakin? Lasing ako?
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan na tanong ko.
Marahan niyang pinitik yung noo ko at umalis sa kama. "You were drunk yesterday. Ang stupid mo para hindi malaman ang pagkakaiba ng pineapple juice sa alak."
Unti unti kong binuo yung alaala ko kagabi. Nagsorry sakin si Karen then inalok nila ako ng juice. Napasapo nalang ako sa noo ko. I'm so stupid to trust them.
"Oh ano naaalala mo na?" Hindi ako makatingin kay devil. Nakakahiya. Aish!
"Sorry." Mahinang sabi ko.
"Ha! Ganun ka pala malasing." Nakangising sabi niya.
"Bakit? May nagawa ba ako?" Kinakabahan na tanong ko.
"Oo. Hindi mo ba matandaan?"
Inalala ko, may lalaking lumapit sakin. Gwapo yung lalaki eh, at kamukha---
"Ikaw yun?!" Gulat na tanong ko.
Lupa, bumukas ka at lamunin mo na ako.
"Tch stupid! Syempre ako yun!" Iritang sagot niya.
"Akala ko kamukha mo lang eh." Sayang gwapo na pa naman siya para sakin kaso si devil pala yun? Stupid ko talaga.
"Para sabihin ko sayo ako lang ang may ganitong mukha. Ganitong KAGWAPONG MUKHA. Kaya impossible na makakita ka ng kapareho ko. Nagiisa lang ako." Punong puno talaga ng hangin tong taong to.
"Edi wow." Wala nakong masagot. "Teka!" Napalakas ulit na sabi ko. Tinitigan ko siya ng masama at hinigit ko ulit yung kumot ko. "Ikaw ba ang nagbihis sakin?"
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...