ELEVEN: Sexy Hot Mess

118 3 0
                                    

"Ouch!" napaupo ako dahil biglang may nakabunggo ako habang tumatakbo.

Hindi ko na tuloy maiwasang umiyak ng tuluyan. Para akong tanga. Para akong bata umiiyak habang nakaupo sa sahig. Anong gagawin ko? Bukod sa masakit yung puso ko ang sakit pa ng pwet ko! Ang lakas kaya nung pagkakabunggo sakin!

"Tumayo ka nga jan. Para kang tanga." Imbis na magsorry minura pa ako.

Pagtingala ko si devil. Natural. Sino pa nga ba? Siya lang naman ang nakakapagsalita sakin ng ganito.

"Ano bang pakeelam mo!" pagsusungit ko.

"Nakaharang ka kaya sa daan!"

Napatingin ako sa paligid ko. Wala namang tao. Kaming dalawa lang dito sa corridor tapos ang luwag luwag naman ng daan.

"Pwede ba devil-" kalmado pa yung boses ko. "just leave me alone kung ayaw mong ipalamon ko nanaman sayo yung kamao ko!" pananakot ko sakanya.

Umupo siya sa tapat ko. Sinilip niya yung mukha ko kasi nakayuko lang ako at kinukusot yung mata ko. "Paano kung ayoko? Tsaka bakit kaba umiiyak ha?"

"Wala kang pakeelam."

"Aish! Tayo!" tumayo siya bigla tapos inutusan din ako tumayo. Nakakainis na siya! Ano bang hindi niya maintindihan sa salitang LEAVE ME ALONE?!

Bigla niyang hinatak yung kamay ko kaya automatic na napatayo na din ako. Bwiset! Napakabrutal talaga ng lalaking to! Kawawa na kamay ko sakanya eh!

"Ano ba?!" sobrang lakas ng sigaw ko napaatras siya.

"Tara na." hinawakan niya yung wrist ko tapos naglakad.

"Saan mo nanaman ba ako dadalhin?!"

"Magpaparty." Tipid na sagot niya.

"Anong magpaparty? Umagang umaga party yang iniisip mo. Pwede ba kung gusto mo magparty, magparty ka magisa mo."

Kumawala ako sa pagkakahawak niya sa wrist ko at tumalikod na sakanya.

"I don't think gugustuhin mong pumasok." Bigla siyang nagsalita.

Nilingon ko siya at hindi ko magets kung anong gusto niyang sabihin. "What do you mean?"

"You'll see him there. Gusto mo ba yun?"

"Ano bang sinasabi mo? Sino ang makikita ko dun?"

"You're such an idiot." Kotang kota na siya sa pagbabadmouth niya sakin. "Wag ka ng ngang magtanong. Tara na!"

Hinila na niya ako. Kainis. Hila hila nanaman niya ako at ako naman sumusunod lang sakanya. Hindi ko alam kung bakit ginusto ko din sumama sakanya. Siguro dahil din na natatakot din ako na makita si Nico. Pero wala naman talaga akong balak pumasok eh. Uuwi na sana ako. Kaso etong Kent na to bitbit nanaman ako sa kung saan niya gustong pumunta.

***

Umagang umaga dito ba naman ako dinala ni Kent sa bar? Yung totoo? Hindi pa nga bukas eh! At baka nga kasasara lang neto eh!

"Ops! Saan ka pupunta?" hinarangan niya ako.

"Uuwi na ako."

"Bakit? We just got here."

"Di mo ba nakikita? Close pa oh! At saan ka naman nakakita ng club na bukas ng umaga ha?" I crossed my arms.

"Walang close close sakin. Basta ginusto ko, nakukuha ko." Biglang tingin niya sa mga mata ko. "Let's go."

At tama nga ang loko. Nakapasok kami! He has his own keys. Pagpasok namin, parang hindi club. Hindi maingay. Walang tao. There's no music.

"Sayo ba to?" I asked.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon