Mabilis na kumalat yung balita ng engagement nila Kent at Dianne. Pagpasok na pagpasok ko sa school yun agad yung usap usapan. Grabe daig pa nila ang Kathniel , Jadine, at Lizquen!
Pagpasok namin ng room ni Nico sinalubong agad siya ng nga kaklase namin. Halos 1 month din kasi siya nawala.
"Nico wala ka bang pasalubong sakin?" Bungad ni Kirby pagkaupo ni Nico.
"Bakit may patago kaba?" Pambabara ni Nico. Nagkamot nalang ng ulo si tuta.
Maya maya pa dumating na si devil.
*dug dug* *dug dug*
Iniwasan ko siyang tignan kasi nagaalburuto nanaman tong si heart. Aish! Bakit ko ba kasi siya bigla nagustuhan?!
"Ayan na pala yung ikakasal eh!" Banat ni Kirby.
Binatukan naman siya agad ni Kent.
"Long time no see bro." Bati ni Nico.
Seryoso siyang tinignan ni Kent pero si Nico ang laki ng ngiti. Ano nanaman kayang problema netong taong to? Bad mood all day everyday!?
"Bakit bumalik ka pa?" Nagulat kami lahat sa sinabi ni Kent.
Parang galit siya kay Nico tapos ang talim ng tingin niya.
"HAHAHAHAHHAHA!!! Takot ka noh?!" Nagulat kaming lahat nung bigla nalang tumawa si devil. "Na miss kita bro!" Tapos nagfist bump sila ni Nico.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko magkagalit nanaman sila eh. Abnormal talaga to!
"Bakit pala bigla ka nalang nawala sa party?" Tanong ni devil.
"Nandun ka?" Hindi naman makapaniwala si Kirby.
Pagkatapos kasi nung nangyari sa engagement party hinatid na agad ako ni Nico sa bahay kaya hindi na siya nakabati kala Kirby. Pero hindi ko alam na nakita siya ni devil.
"Ah hinatid ko nadin kasi si Yuri sakanila. Sumama kasi yung pakiramdam niya." Tapos tumingin siya sakin.
Pagkatapos ng nangyari hindi nagtanong o nangusisa si Nico. Hindi pa namin napaguusapan yung tungkol dun.
"Sus! Ang sabihin mo sumama yung tiyan! HAHAHHAHA! Ang takaw kasi!" Pangaasar ni Kirby. Ang lakas pa ng boses niya kaya tuloy nagtawanan yung nga kaklase namin.
Pinanlisikan ko agad ng mata si Kirby. "Yah! chi ko rro!" (Shut up!) "Nuchuggule?! Aish!" (Wanna die?) Nanggigil ako eh!
"Speaking alien again?" Singit ni devil. Nadistract naman ako agad kasi bigla bumilis agad yung tibok ng puso ko.
"Ano ba yung lagi niyo sinasabi ni Kahi na nuchuggule? Lagi din kasi niya sinasabi sakin yun."
"Di ko sasabihin sayo! Bleeh!!!"
Para kaming bata ni Kirby. Nakakainis kasi siya!
"Ang cute mo talaga." Namula naman agad ako sa sinabi ni Nico.
"Yieeeehhh! Oy Yuri kailan mo ba sasagutin tong si Nico? Napaglilipasan na kayo oh! Kami na ni Kahi tapos ikakasal na si Kent. Kayo nagliligawan padin?" Pangaasar ni Kirby.
Napatingin naman ako sa reaction ni Kent. Wala siyang reaction nakikinig lang siya samin.
"Ayoko kasi siyang madaliin. Kaya ko naman maghintay eh." Sagot ni Nico tapos tinignan niya ako deretso sa mata.
Oo gusto ko si Nico pero alam ko din na gusto ko nadin si devil. Minsan naguguilty ako kasi bakit ko sila gusto pareho pero naisip ko na dapat si Nico nalang yung gustuhin ko kasi si Kent wala na ako sakanya at si Dianne talaga yung mahal niya.
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...