Kahi's POV
God knows how much I hate this jerk I'm with right now! Urgh! Hindi ko alam kung bakit lately eh lapit siya ng lapit sakin! He even convinced our prof na maka partner ako! Hindi ko alam kung bakit ba sa tuwing naiinis ako eh nagdidiwang siya!
"Bilisan mo naman maglakad Kahi! Dapat makuha natin yung treasure." Sabi ni jerk na nauuna pa maglakad sakin!
Eh ano magagawa ko?! Anong gusto niya tumakbo ako?! Hello?! Gubat po ito! Natural kelangan magingat ng mga diwatang kagaya ko!
"Pwede bang magpahinga naman tayo?! Napapagod na ako!" angal ko. Sabay upo ko sa may malaking bato.
Paano kasi 30 minutes na kami lakad ng lakad dito eh wala naman kaming makita na treasure chest!
"Ang bilis mo talaga mapagod. Palibhasa kasi ang ikli ng legs mo."
Oh no, he didn't!
He didn't just insult my legs!
"Gusto mo tadyakan kita para makita mo kung gaano kahaba ang legs ko?!" pagbabanta ko.
"Joke lang! Ikaw naman hindi kana mabiro." Sabay tawa ng loko.
At sinong may sabing may karapatan siyang magjoke? Close ba kami?!
Umupo si Kirby sa tabi ko at agad naman akong napausog dahil nadin siguro sa reflex.
"Kung makausog ka naman para naman akong may nakakahawang sakit. OA ka Kahi!" sabay pout ni Kirby.
Argh! Bakit ang cute niya sa part na yun?
Oh no! I did not just call him cute ok?! Well, cute naman talaga siya. Para kasi siyang tuta!
"Hindi tayo close kaya wag kang tumabi sakin. Shoo!" tinaboy ko siya ng parang aso.
Ayoko talaga na nagkakadikit kami nitong si Kirby. Ewan ko ba! Oo aaminin ko affected padin ako. Hindi ko naman dinedeny yun! Sa loob ng tatlong taon, may epekto padin pala sakin tong mukhang tutang to! Ang kaibahan lang, kabaliktaran ng epekto niya sakin nuon ang dating niya sakin ngayon. Kung dati simpleng tingin at ngiti niya, halos magtatalon yung puso ko sa sobrang saya, ngayon, sa tuwing lalapit siya, puro takot nalang yung nararamdaman ko.
Takot na baka sa pangalawang pagkakataon, masaktan ulit ako.
"Wala na ba talagang pag asa Kahi?" nagulat ako ng biglang nagsalita si Kirby.
He broke the ice na namamagitan sa awkwardness namin. Pero imbis na mawala yung awkwardness eh mas lalong naging awkward yung sitwasyon dahil sa tanong niya.
"Ano bang sinasabi mo jan?" mataray padin yung tono ng boses ko kahit na alam ko na seryoso na yung boses ni Kirby.
"Wala na bang pag asang gustuhin mo ulit ako?" napatigil ako bigla sa sinabi ni Kirby.
Nababaliw naba siya?! Bakit sinasabi niya sakin ngayon tong mga to?! Pagkakaalam ko naman hindi pwede ang liquor dito sa camp pero bakit parang nakainom yata tong isang to?!
Pero sige. Kung gusto niya ng ganitong usapan, pagbibigyan ko siya. Hindi naman ako mahirap pakiusapan.
I have a heart for the needy kaya!
"Hindi porket libreng maging tanga eh aaraw arawin ko na." sagot ko.
Ano siya sinuswerte?! Diba siya nga tong pinagtabuyan ako dati! I'm not stupid enough to commit the same mistake twice!
"Hindi ka naging tang---"
"Ops! Alam ko na yan! Sasabihin mo nanaman ba ulit yung 'Hindi kita ginawang tanga, umasa ka.'" Sabat ko sa dapat na sasabihin ni Kirby. Naalala ko kasi bigla yung sinabi niya sakin dati sa corridor. Halos ipamukha niya sakin na umasa lang ako kaya ako nagpakatanga.
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...