TWELVE: The who?!

135 3 1
                                    

Bangag na bangag ako dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko man lang naipikit yung mga mata ko kahit saglit lang.

The memory of Kent's kiss is really disgusting! Hindi ko alam kung nakailang bottle ng mouthwash ako pagkauwi ko. At isama mo pa yung nangyari samin ni Nico sa auditorium yung pagkanta niya sakin. Aish! Naalala ko tuloy yung pagsayaw ni Kent kahapon! Bakit ba pati sa isip ko eh bigla nalang sumisingit yung lalaking yun?!

Pagpasok ko ng room, ako nalang yata yung wala. Wala ng pakeelam yung mga classmate ko sakin nasanay na siguro sila. Dati kasi sa tuwing papasok ako aasarin na nila ako eh pero ngayon, kanya kanyang mundo na kami.

Pwera dun sa tatlo.

Pagpasok ko kasi sabay silang napatingin sakin. Kinabahan tuloy ako. Pero iba't ibang tingin yung binigay nila sakin.

Si Kirby

Wala naman talaga kong pakeelam sa tingin niya sakin. But he's lively. Siya lang ang nakangiti sakin

Si Nico

Parang ang lungkot ng tingin niya sakin. Dahil ba yun sa pagiwan ko sakanya kahapon sa audi?

And si Kent

Parang awkward na tingin. Napaiwas nga siya bigla ng tingin nung tinignan ko din siya. Inaalala niya siguro yung nangyari kahapon. Perv!

Hindi ko sila pinansing tatlo at umupo nalang ako sa upuan ko kahit napapalibutan nila ako at i just lay my head sa arm chair ko.

"Ui Yuri..ok ka lang?" nagiimprove tong si Kirby. Ang FC na niya sakin ngayon. At hindi na niya ako tinatawag na nerdy.

"Yes." Sagot ko ng hindi padin inaangat yung ulo ko para tignan sila.

"nabusted ka ba?" epal talaga tong Kirby na to.

"No."

"Alam ko kung bakit nagkakaganyan yang si stupid." Biglang sabat naman ni Kent. "Paano kasi kahapon hina---"

Napaangat yung ulo ko bigla tapos tinakpan ko yung bibig niya. Tinignan ko siya ng masama tapos nginitian lang ako ng loko.

"Ui ano yan ha? Anong nangyari kahapon?" Kirby sounded suspicious.

"Yeah. What happened yesterday?" seryosong tanong ni Nico. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sakanya.

"Wala." Bago ko inalis yung kamay ko sa bibig ni Kent I gave him a threatening look.

"Ui Kent anong nangyari?" si Kent naman yung kinulit ni Kirby.

"Nanakawan kasi tong si stupid eh." Nakangisi pa si Kent habang sinasabi niya yon. Wag lang niya talaga ituloy at babangasan ko talaga siya.

"Ano? Nanakawan ka? Did he hurt you? Damn it Yuri! Mag ingat ka naman." napatingin kaming tatlo kay Nico na bigla nalang parang sumabog ang emotion.

O____O - me

o____o- kirby (ganyan lang kaliit. Mukha nga kasi siyang tuta diba?)

-_____- - kent

At bakit siya concern? Bwiset! Pinapagulo nanaman niya ang isip ko.

"Wag nga kayong magpapaniwala dito sa devil na to. OA lang siya. Hindi naman tao yung nagnakaw sakin. A-S-O." I emphasized.

Tumingin ako kay Kent at pinandilatan niya ako.

"Aso?!" sabay pa sila Kirby at Nico.

"Siguro gwapo yung aso na yun." Sabat ni Kent. Gwapo daw? Mandiri nga siya sa sarili niyang balat!

"Oo ASO. Wag na nga nating pagusapan yun. Actually nakakadiri yung aso eh. Mukhang ulol." Sabi ko while shrugging my body na parang diring diri talaga.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon