TWENTY EIGHT: Heartbeat

60 0 0
                                    

"Kailangan pang halikan tumahimik lang." naka smirk na sabi ni Kent nung ihiwalay na niya yung labi niya sa mga labi ko.

Ako? Eto speechless. Tulala padin sa hangin. Did he just kissed me AGAIN?

Unti unti ko siyang nilingon at parang wala lang sakanya yung nangyari, bumalik kasi siya sa paglalaro ng phone niya.

"D-did y-y-you j-just kiss-ed m-e a-gain?" Utal utal na sabi ko at nanlalaki padin ang mata ko sa gulat.

"Now you call it a kiss huh?" he smiled devilishly.

My eyes are blinking fast from shock. Hindi padin ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Kanina lang tinatakot ko siya tapos tapos tapos... WAHHHHHH!!!!

"DEVILLLLLLL!!!!" sigaw ko nung bumalik na ako sa katinuan.

"Ingay mo! Gusto mo pa yata ng isa eh!" tapos bigla niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko na nakapagtahimik sakin. We're like 2 inches apart. Tinignan niya yung mga mata ko at ganun din ako.

At some point, I was kinda lost again. Akala ko hahalikan niya ulit ako pero tinitigan lang niya ako.

He smirked bago nagsalita. "Umamin ka nga, nagkakagusto ka naba sakin?"

Agad naman akong natauhan sa tanong niya at tinulak ko siya palayo. Anong pinagsasabi netong abnormal na to?!

"Ilang beses ko bang dapat ulit ulitin sayo na kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan?! Napaka conceited mo talaga kahit kailan!"

"Siguraduhin mo lang." masungit na sabi niya.

"Siguradong sigurado ako no! At isa pa sigurado na ako kay Nico kaya wala na akong gugustuhin pang iba."

Nakita ko naman na napangiti siya ng kakaiba.

Hindi ko nalang siya inimik at nanahimik ako sa isang pwesto. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit hindi ako nagalit nung hinalikan niya ako? Bakit parang nasanay na yung mga labi ko sa mga labi niya? Aish! Ano bang nangyayari sakin?!

"YURI! ARE YOU THERE?" napalingon kami ni devil sa pinto nung may boses na tumawag samin.

He was banging the door. "YURI! IT'S ME NICO! ARE YOU OKAY?!"

Napatayo agad ako nung narinig ko yung boses ni Nico. "Nico, nandito ako!!" Lumapit ako agad sa pintuan ng gym.

"I'm gonna get you out of there." He urgently said. "Guard, pakibilis naman oh."

Naririnig ko yung tunog ng mga keys at pagbukas ng doorknob. As usual, my prince charming saving me once again.

Napalingon ako kay devil na nakaupo lang at parang walang pakeelam na makakalabas na kami. Psh. Problema ba niya? Parang gusto pa niya magstay dito eh matatakutin naman.

Mabilis din bumukas yung pinto at sinalubong ako ni Nico ng yakap. Oh my, I froze. First time na niyakap niya ako. First time na...

Hindi kumabog ng malakas ang dibdib ko para sakanya.

"Are you okay? I was worried." He said habang lalong hinigpitan yung pagkakayakap niya sakin.

I hugged him back and shrugged the thoughts in my mind.

"O-ok lang ako." Bumitaw siya sakin habang hawak ang magkabilang balikat ko and he lowered his head to meet my gaze.

Bakit ganun? Bakit parang hindi ako hinihila ng mga mata niya?

"Sigurado kaba?" tanong niya. I can see the concern in his eyes. Tumango ako. "How long have you been locked up?"

"Uhhh-4-5 hours yata."

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon