Halos araw araw talaga para akong may gerang pupuntahan. Paano ba naman kasi araw araw ko din na makikita yung Kent na yun. Hindi ko naman kasi alam kung kailan niya ako mabubuking. Sabi nga nila prevention is better than cure.
Bukod pa kay Kent na laging nambubully sakin at idagdag mo pa yung Kirby na yun, pati din halos lahat ng mga babae dito pinaguusapan ako. Iniirapan. Pinariringgan. Bukod kasi sa nerd ako dahil din kasi yun nung hinatid ako ni Nicolo sa clinic. Bakit hindi din kasi sila magpatama ng bola malay mo gawin din sakanila ni Nicolo yun.
"Ui Yuri hindi kaba kakain?" pasalamat nadin ako dito kay Kahi dahil kasi sakanya hindi ako kinakalbo ng mga babae dito sa school. Hanggang salita at parinig lang sila.
Iba talaga pag bestfriend mo ang Queen B sa school.
Sa akin lang mabait yang si Kahi dito sa school. Maldita yan sa iba.
"Wala akong gana." nakapatong lang yung ulo ko sa mesa dito sa cafeteria. Nagiisip kung hanggang kelan ko pa kayang magpaka nerd.
"Wow ha! Kelan ka pa nawalan ng gana?" hindi talaga marunong magcomfort tong bestfriend ko.
"Ay sorry!" biglang may nagpatong ng tray sa likod ko.
Inangat ko na yung ulo ko para makita kung sinong papansin ang nagpatong ng tray sa likod ko! Gawin ba naman akong lamesa!
Pagtingin ko kung sino yun edi nakita ko nanaman si Kent! Ano nanaman bang trip niya?!
"Hoy devil! Ano nanaman bang problema mo ha?!" hiyaw ko sakanya.
Natatawa pa siya kasama si Kirby. Si Nicolo naman seryoso lang na nakatingin sakin. Oh god. Nakatingin siya sakin.
"Sorry akala ko kasi lamesa eh. Flat kasi." Sabay tawa nila ng malakas ni Kirby at nag apir pa.
Anak ng teteng! Hanggang ngayon hindi padin niya ako tinatantanan sa dibdib ko!
"Manyak ka talaga!" sigaw ko.
"Hindi kita minamanyak no! Wala naman mamanyakin eh!" tawa padin sila ng tawa ni Kirby.
Sige tawa pa. Bwiset talaga tong lalaking to araw araw nalang paulit ulit ang cycle namin. Away. Away. Away.
Hindi pa ako nakakasagot umalis nadin sila at pumwesto sa pwesto nila.
Special treatment!
May sarili silang place. Nakakahiya tuloy kay Nicolo. Alam kaya niya kung ano yung tinutukoy ni Kent na flat? Huhu!
"Anong flat yung sinasabi nila?" Ay nandito pa pala tong si Kahi. Hindi ko siya nafeel eh. Hindi naman kasi niya ako pinagtanggol.
"Wala!" sigaw ko sakanya sabay agaw ko nung sandwich na kinakain niya.
Tama! Kakain nalang ako baka sakaling lumaki pa ang hinaharap ko.
"Mukhang trip na trip ka nila ah."
"Yung Kent at Kirby lang ang laging umaaway sakin pero si Nicolo..." natigilan ako.
Nung tumingin kasi ako sa direction ni Nicolo nakatingin din siya sakin. Halos mabulunan tuloy ako.
*cough* *cough*
"Here drink this" sabay abot ni Kahi nung bottled water.
"So ano na si Nico?" Tanong ni Kahi nung nahimasmasan na ako.
Paano kasi nakatingin din sakin kanina si Nicolo! Kyaaahhh!
"Si Nicolo.iba siya. Ibang iba."
"anong iba? Eh parepareho naman silang gwapo. Ay pwera pala kay Kirby!" sabay bawi niya ng sinabi niya. Haha! Bitter much?
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...