"Nakabili ka na ba ng pang exchange gift sa christmas party?" Tanong ni Kahi habang naglalakad kami papasok ng school.
"Ha? Ah hindi pa nga eh." Oo nga pala kailangan ko pa palang bumili ng regalo para sa nabunot ko.
"Sino bang nabunot mo?"
"Hindi ko din alam kung sino eh. Code names kasi yug gamit namin nung nagbunutan. Basta ang ginamit niyang pangalan ay Micky Mouse" sabi ko.
Nagbunutan kasi kaming klase nung nakaraang araw para sa christmas party sa friday. At ayun sinuggest ng mga abnormal kong kaklase na code names daw tapos lagyan nalang daw ng gender para mas masaya kasi medyo mysterious daw ang dating eh luge naman ako dun kasi malalaman agad nung nakabunot sakin na ako yun kasi ako lang naman babae sa section namin.
Iniisip ko nga eh, sino kayang nakabunot sakin? At sino din kaya tong nabunot ko? Sino si micky mouse? Kung sino man siya nakakatuwa lang kasi lahat ng kaklase ko mga siga tapos basagulero pero mahilig kay Micky Mouse. Hahahah!
Ano kayang gamit na code name ni devil? Siguro Tazmanian Devil! Hahahah! Bagay sakanya!
"Weird. Pero masaya nga yun." Halata kay Kahi na hindi soya mapakali kanina pa. Parang kug may anong iniisip.
"Ikaw ba nakabili ka na ng regalo mo?"
"Yun nga problema ko eh! Hindi ko alam kung anong ibibigay ko kay Kirby." Ayun naman pala ang problema niya.
Actually, ang ibig sabihin ko yung gift sa exchange gift pero si Kirby lala iniisip niya. Iba na talaga pag may love life! Hahaha!
"Ano bang gusto niya?" Tanong ko.
"Ako." Confident na sagot ni Kahi. Hayy nahahawa na kay tuta kung bumanat. "De joke lang. Ewan ko dun!"
"Ang sarap mong ikahon alam mo yun?" Sagot ko. "Eh ano ba sa tingin mo yung magugustuhan niya?"
"Hmmmm... Di ko talaga alam eh! Huhuhu! Bff tulungan mo naman ako oh." Nakapulupot na sa braso ko si Kahi tapos nag pout.
Hayy iintindihin ko nalang ang taong inlove.
"Ano naman gagawin ko?"
Lumapad yung ngiti ni Kahi. "Alamin mo nalang kung anong gusto niya."
Napairap nalang ako. "Hayy nako! Pasalamat ka fan ako ng loveteam niyo. Sige susubukan ko."
"Yey! I love you bestfriend!"
"ANONG I LOVE YOU?!" Nagulat kami nung biglang may sumigaw sa likod namin. Paglingon namin si Kirby na may meeting ang mga kilay.
"Ano yung narinig ko? Kanino ka nag i love you?!" Nagulat ako kay Kirby. Wow ang tapang na niya ngayon.
*PAAAAKKK*
Akala ko matatanggal na yung ulo ni tuta sa lakas ng pagkakabatok sakanya ni Kahi.
"AKO PA TALAGA PINAGHINALAAN MO?!" Kahi.
"Loves naman joke lang yun. Akala ko aksi kikiligin ka pag nakita mong nagseselos ako." Jusme Kirby sa una lang pala. Tiklop padin kay Kahi.
"Selos your face! Dyan ka na nga! Praning!" Sabay walk out ni Kahi.
"Uy love saglit lang!!! Joke lang yun! Ihahatid na kita sa room mo." At ayun nakahabol na ulit si tuta.
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...