THREE: Partn..er?

163 4 0
                                    

"Ms. Yuri gumising na po kayo baka po malate kayo niyan. Hinihintay nadin po kayo ng mommy at daddy niyo sa baba para magbreakfast." sabi nung katulong namin.

Huhuhu! Ayoko! Ayoko pumasok! Sana magkasakit nalang ako! Iniisip ko palang na haharapin ko yung Kent na yun at partners pa kami aish gusto ko ng magsuicide!

Hindi padin ako bumabangon at niyuyugyog padin niya ako. Aish!

"Ok na. Sige. Tatayo na." As if naman may choice ako diba? sabay tayo ko sa kama ko.

Wala naman akong sakit kaya wala akong excuse para hindi pumasok. Dumeretso na ako sa banyo para maligo tapos nagbihis na ako. Nakakainis! Dahil sa kailangan kong magpanggap na nerd hindi ko tuloy mafeel yung ganda ng uniform ko. Light brown na maikli na palda na may pleats then white polo tapos navy blue na blazer. O diba? Ang lakas maka dyosa! Pero syempre at dahil nerd nga ang peg ko kailangan kong mag glasses. Retainer at baduy na ponytail. Aiish!

"O? Bakit ganyan itsura mo?" sabay sabay na napatingin sakin sila mommy daddy at Kuya Axel. Hindi nga pala nila ako nakita kahapon kasi maaga ako pumasok.

"Nerd? Hahaha! Pinapatawa mo talaga ako lil sis." Dagdagan mo pa ng mapangasar na kuya na maninira ng umaga mo!

"Seven anak bakit naman ganyan kasi ang itsura mo." Sabi naman ni mommy.

"Eto po kasi ang uso eh." Tipid na sagot ko. At kumain nalang.

"Lil sis bakit naman nerd pa? Eh hindi ka naman matalino!" ibang klase talaga tong kuya ko eh! "Mas bagay pa sayo na magbihis lalaki kesa magbihis nerd eh!" Sabay dila niya sakin. Ganyan kami magkapatid. Sweet namin noh?

"Ayoko. Dahil pag nagbihis lalaki ako baka mas gwapo ako sayo!" Syempre hindi ako papatalo no! "Tsaka pwede ba kanya kanyang trip lang yan!"

"Tama na nga yan. Sige na kumain na kayo at baka malate na kayo." Awat naman ni daddy. Hindi siya tumitingin samin kasi nagbabasa lang siya ng dyaryo. Pft!

Kailan ba nagkaroon ng pakeelam samin si daddy?

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Kahit naman nakakawalang gana yung paguugali ng magaling kong kapatid, hindi ko padin talaga matanggihan ang bacon and egg! :D

"Yaya Nitz pakitawag na si Mang Dino para mahatid na tong si Seven" tawag naman ni mommy sa yaya namin nung matapos kaming kumain.

"Ay mommy wag na po. Ako nalang maghahatid sakanya. Diba lil sis?" pataas taas pa ng kilay tong si kuya. If I know gusto lang niya ng may maasar sa sasakyan!

Tumayo nalang ako. Ano pa nga ba? Wala nanaman akong choice! Aish! Sigurado pagdating ko neto sa school haggard na ako dahil sa inis sa kapatid ko!

"Yaya Nitz, don't forget po to bring Cookie and Chicken sa groomer. Wag niyo po sila iiwan kasi takot yun pag hindi sila nakakita ng kakilala nila." Oh diba? Parang bata lang yung mga aso ko ayaw papaiwan sa hindi nila kilala?!

Si cookie shitzu tapos si chicken naman St. Bernard.

"Ok po Ms. Yuri."

"Mas magaganda pa yung aso mo kesa sayo lil sis eh!" bumanat nanaman tong pain-in-the-ass kong kapatid.

"Gusto mo manghiram ka ng mukha sakanila oppa?" (oppa= older brother)

"Seven that's rude! Sige na. Pumasok na kayo." Sabi ni mommy.

Grabe! Bakit ako nalang lagi! Si kuya naman yung nauna ah! Tsk! Pagtingin ko kay kuya may padila dila pang nalalaman.

Pagkatapos namin kumain umalis nadin kami. Syempre hanggang sa sasakyan hindi ako titigilan ng magaling kong kuya! Bakit ba lahat ng lalaki sa buhay ko nakakainis?! Ay! Pwera pala kay Nicolo.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon