"Kahi nasan ka naba?!" pagaalburoto ko sa phone.
[Nasa gate na ako. 3 mins and i'll be there]
"Bilisan mo! Natatakot ako baka makita niya ako dito eh" kung alam ko lang talaga na malalate tong si Kahi sana sinundo ko nalang pala siya sakanila.
[Oo na. Eto na! Tsaka naka disguise ka naman diba? Magrelax ka nga. ]
naririnig ba niya yung sarili niya? Relax? Paano ako magrerelax kung any moment pwede ko makikita yung lalaking yun.
[ano bang disguise mo? Don't tell me may costume kapa ha! Hahahaha!] Hay! Nagawa pa niya talaga manginis eh nuh?!
"Yah! Paliwa! Aish!" (hurry up) sabay baba ko ng phone!
Nakahinga na ako ng maluwag nung makita ko na si Kahi. Nung lalapit na ako sakanya bigla nalang niya akong nilagpasan. Hanap padin siya ng hanap sakin. Hindi ba niya talaga ako nakikilala?!
Well infairness. Worth it naman pala paggising ko ng maaga para sa disguise na to. Nagglasses kasi ako. Nag retainer din ako. Tapos pigtails na patirintas then nagipit ako ng malaking heart. Tapos nagpabangs din ako then medyo kinapalan ko ng konti yung kilay ko.
[---> Yuri's look is on the side]
"Kahi!" Lumingon siya sakin but gave me a confusing look.
"Why? Fan ba kita? Well, magtataka paba ako. Sige na akin na." Nilahad niya yung palad niya sakin na parang may hinihingi siya.
Kahit kailan talaga may pagka GGSS tong bestfriend ko eh!
"Ang tagal naman! Saan ka ba magpapaautograph? Sa kamay? Sa notebook? Sa eyeglasses mo? Bilisan mo may klase pa ako." Ang taray ni ate! Biiiitch! Hahaha!
"Yah! Kahi Nicole Sy! It's me!" She looked at me closely tapos kala mo nakalunok ng buong mansanas kung makabuka ng bibig eh.
"Oh my G. Is that you Severina Yuri Choi?" nanlaki yung mata niya bigla.
"Yes! And I don't want your autograph." I sarcastically said.
"Seriously? A nerd?" Yung tingin niya sakin parang hindi convince na nerd ang disguise ko.
Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa then vice versa.
Eh hello?! Obvious naman na nerd ang get up ko. pft!
"Oo. Nerd. Ang galing no? Hindi mo ako nakilala."
"Eh hindi ka naman matalino eh!" Ang sarap pudpurin netong dila ng babaeng to eh! Masyadong matalas!
"Yah! May batas ba na lahat ng nerd looking dapat smart din?!" Ang stereotype lang kasi. Wala bang karapatan maging stupid ang mga nerd?! Grabe ha! Discrimination!
"Stereotype. Duh?!" Then she rolled her eyes.
"Aish! Bahala na! Basta hindi niya ako makilala ok na yun." Hindi ko naman kailangan maging matalino para hindi niya makilala eh. Kailangan ko lang talagang imaintain ang pagiging nerd looking ko.
"Sabagay. Pero teka lang, dapat ayusin mo yang ugali mo. Walang nerd na mataray" Stereotype nanaman! "Wala ding nerd na matapang. Dapat kunwari coward ka tsaka weak."
Parang hindi niya ako kilala. Kailan ba ako nagpaapi?! Kelan ba ako naging weak?! "Oo na! Aish! Pero hindi ako papayag na ibully nalang no! kapag kaya kong pagtiisan, I will hold back."
"Aish! Kelan ka nga ba pumayag na magpatalo. Sige na. Tara na. Ano bang section mo?" Nilabas ko yung C.O.R ko tapos binigay ko kay Kahi.
"Section D?!" Ang lakas nung pagkakasabi niya na pati yung mga naglalakad sa paligid namin napatingin sakanya.
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...