TWENTY EIGHT: Stuck

62 0 0
                                    

Isang buwan na pala yung nakakalipas simula nung nalaman ni devil yung totoong pagkatao ko at ginawa niya akong slave niya at ganun padin ang ugali niya. harsh padin. Demonyito padin. Hays!

Naalala ko padin yung nangyari sa ferriswheel nung tinanong ko kung hanggang kailan niya ako magiging slave, sabi niya ayaw daw niyang itigil to. May nalalaman pa siyang "Im fvckin trapped" eh ako nga yung nakakulong sakanya dahil slave niya ako. Abnormal talaga yun!

"Yuri are you free later?" Tanong ni Nico habang kumakain kami.

Isang buwan nadin pala yung nakakalipas simula nung ligawan ako ni Nico. Mas kumportable na kami sa isa't isa at lagi padin niya ako hinahatid sundo kasi natatakot na daw siya na baka maulit yung nangyari dati tapos lagi din kaming magkasabay kumain.

"Uh.. oo. Bakit? Saan tayo pupunta?" Tanong ko naman.

"Basta surprise." tapos nag grin siya. Ang weird niya ngayon. Ano kayang ibig sabihin nung grin na yon?

Ayoko talaga ng surprises! Pinapagulo kasi nito yung isip ko at hindi ako nakakapagconcentrate.

Nakita ko na seryosong nakatingin si Nico sa likuran ko, pagtalikod ko nakita ko si devil na dumaan sa harap namin. Isang buwan nadin ako naiipit sakanilang dalawa ni devil. Hindi padin kasi sila nagkakabati.

"Hi Yuri! Hi Nico!" Bati ni Kirby na kasunod ni Kent. Alam ko na kahit si Kirby naiipit din sa dalawa.

I smiled at him at tumuloy nadin siya sa table nila ni Kent. Dapat nandun din nakaupo ngayon si Nico eh.

Tinignan ko si Nico umiwas lang siya ng tingin tapos kumain nalang. Alam kong malungkot din siya pero hindi niya pinapahalata.

Hanggang ngayon hindi ko padin alam kung anong problema nila. Ayaw naman nilang sabihin sakin. Pag tinatanong ko si devil, inaaway lang niya ako. Pag si Kirby naman tinatanong ko ang labo ng sagot niya, lagi niyang sinasabi na pareho daw kasing hindi marunong magparaya yung dalawa kaya hanggang ngayon hindi sila nagbabati.

"Nico, hindi padin ba kayo ok ni Kent?" Alam ko naman yung sagot pero gusto ko lang kasi na pagusapan namin yung bagay na yun.

"Hindi eh" may disappointment sa boses niya.

"Ano bang pinagawayan niyo? Baka makatulong ako." pagprepresenta ko tutal pareho naman akong connected sakanila.

"Wag mo ng isipin yun Yuri. Sanay na ako kay Kent. Balang araw maiintindihan din niya ako."

Close minded kasi ni devil! Pft!

"Ikaw ba hindi ka ba niya pinahihirapan?" Tanong ni Nico. Alam naman kasi niya na slave ako ni devil.

"Hindi naman." I lied.

Anong hindi! Eh halos gawing impyerno nun yung buhay ko! Pero ayoko na kasing dagdagan yun alitan nila ni Kent.

"Just tell me if you want to get out from his grasp. I'll come and get you." Seryosong sabi ni Nico.

Bumilis naman yung tibok ng puso ko. Bakit sa pagkakasabi ni Nico parang gusto na niya talaga akong kunin? Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit parang hindi ko man lang naisip na umayaw na para kunin na ako ng tuluyan ni Nico kay devil?

Minsan gusto kong tanungin si Nico kung bakit hindi siya nakekeelam samin ni devil pero naisip ko na siguro kaya hindi siya nakekeelam kasi ayaw niyang madagdagan yung problema nilang dalawa sa isa't isa at ayoko din mangyari yun.

Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Nico.

"Tapos kana ba? Tara hatid na kita sa room mo." tumayo na si Nico.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon