NINETEEN: Game on!

94 4 0
                                    

Buong weekend na yung nakakalipas simula nung nalaman ko na una pa lang na alam na talaga ni devil na ako yung babae sa bar. Kainis! Sayang tuloy yung mga weeks na hindi ako nakapag ootd sa uniform ko dahil busy ako sa pagdidisguise bilang nerd!

Pero bukod dun, syempre halos malusaw yung tuhod ko sa sinabi ni devil. Lalo na yung huli niyang sinabi!

"And one more thing. I swear, I'll fvcking make your life a living hell."

"And one more thing. I swear, I'll fvcking make your life a living hell."

"And one more thing. I swear, I'll fvcking make your life a living hell."

Ayan nanaman yung pamatay niyang boses! Nakakatakot talaga. Kahit hindi siya nakatingin sakin, ramdam ko pa din yung takot.

Gagawin daw niyang impyerno yung buhay ko. Eh simula nung nakilala ko siya impyerno na talaga yung buhay ko!

Hindi ko alam kung paano niya nalaman at hindi ko nadin naman kailangan yun malaman. Hindi na yun yung mahalaga ngayon.

Buong weekend ko nga inisip kung ano ba mga posibleng gawin niyang pambubully sakin. Meron yung sinasabit patiwarik sa puno. Kinukulong sa cr at malala yung binubugbog.

Huhuhu! Wala naman sanang pisikalan.

Ok na ako sa paasar asar. Panlalait. Pangiinsulto. Pwede din niya akong pagurin nalang kakautos. Basta wag lang niya akong sasaktan! Lalaban talaga ako!

Oo takot ako. Pero ewan ko ba kung bakit nakikita ko si devil minsan nawawala nalang yung takot ko sakanya at tumatapang ako. Hirap talaga pag kaharap mo demonyito, he'll bring out the worst in you.

"ano bang problema mo jan Seven at kanina mo pa sinasabunutan yang sarili mo?" tanong ni Kuya Axel. Natauhan naman ako bigla.

Isumbong ko nalang kaya si devil sa kuya ko?

"At bakit hindi ka na nerdy? Hindi naba yun yung uso?"

Tapos naisip ko, baka mag join force pa sila ni devil. Isa din kasi tong pahirap sa buhay ko na wala ng ibang ginawa kundi bwisitin ako.

"Oo hindi na uso yun eh. Tsaka hindi ko sinasabunutan yung sarili ko. Sinusuklay ko lang yung buhok ko."

"Tch!"

Tignan mo! Pati mannerism pareho sila ni devil! Ang hilig mag-tch!

"kaya ka lalong pumapanget eh! Lagi kang nakasimangot."

Isa pang similarity nila ni devil. MAPANLAIT!

Hiyang hiya naman ako sa laging naka poker face na mukha niya!

"Magdrive ka na nga lang jan!" Sabi ko sabay cross arms.

Bakit ba? Bastos ako eh.

"I'm not your driver! Gusto mo pababain kita ngayon din? Damn it!"

See? I told you! Parang sila pa ni devil yung magkapatid. Pareho din sila mahilig mag-cuss!

***

Pagbaba ko dito sa car park ng school, pinagtitinginan ako. Yung iba pa nagbubulungan. Bigla tuloy akong kinabahan. Nako! Baka naman nagbago yung isip ni devil at ipabully nalang niya ako sa ibang school?! Sabi ko naman ok na sakin na siya nalang yung mambubully sakin eh!

Transferee ba siya?

Ngayon ko lang siya nakita. Bago siguro.

Infairness, she's pretty.

Bro na love at first sight yata ako. Ang ganda niya!

Agad naman akong napangiti sa mga narinig ko. Akala ko ibubully nila ako eh. Kabaliktaran pa! Pinuri pa ako.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon