EIGHTEEN: The Devil

97 4 0
                                    

"You can't have her Nicolo. Because from now on, she's mine"

Shit. Did I just sound like a jealous boyfriend?! Pero ano pang magagawa ko eh lumabas na sa bibig ko yun! Wag lang talagang magaassume tong panget na stupid na nerd na to na nakikipagagawan ako kay Nicolo dahil gusto ko siya!

Oo gusto ko siya.

Gusto ko siyang pahirapan!

Bakit nga ba kasi hindi ko pa to nuon ginawa?! Hindi ko din alam kung bakit ako naging masyadong mabait sakanya simula nung pumasok siya dito.

Oo mabait na ako nun.

Una, pagsasabotahe sa homework niya. Not once but TWICE! Yung huli pa yung nadaplisan ng panget na kamay ng panget na stupid na nerd yung gwapo kong mukha!

At pagdating sa dulo ako pa yung nagsorry!

Bakit? Wala lang. Gusto ko lang magsalita.

Pangalawa, yung paglalagay ko ng mighty bond sa upuan niya.

At sa huli, binigyan ko pa siya ng bagong palda!

Bakit? Kasi ang panget ng legs niya. Dapat tinatakpan at binabalutan!

Pangatlo, yung pananakot ko sakanya sa gubat. Psh! Stupid talaga! Hindi alam ang kaibahan ng ahas sa tali! Tali lang naman yung gumapang sakanya nun eh!

Pero sa huli ulit, binalikan ko siya at sinamahan ko pa magdamag!

Bakit? Kasi nasakanya yung mapa! Paano ako makakabalik kung hindi ko alam yung daan? Pero dahil nga sadyang stupid siya, eh naiwala niya!

Pangapat, yung pagdala ko sakanya sa bar. Gusto ko kasi makaramdam siya ng guilt. Gusto ko ipaalala sakanya yung katangahang ginawa niya sakin!

Pero ano? Sa dulo nahalikan ko pa siya.

Bakit? Kasi alam kong mararamdaman niya yung inis na naramdaman ko sakanya sa bar dati.Yung pakiramdam na naisahan. Yun! Gusto ko maramdaman niya yun.

Tsaka, nanunuyot yung labi ko, bakit ba?!

Sige nga! Sabihin niyo nga sakin? Kailan nagkaroon ng konsensya ang demonyo?

Ewan ko ba! Pero sa tuwing gagawan ko siya ng panttrip, may kakaiba akong nararamdaman sa dulo.

Siguro kasi may naalala lang ako sakanya. Pero hindi eh! Ang layo nila sa isa't isa! Maganda kaya yun tapos etong si panget na stupid na nerd, panget. Tch! Paulit ulit! Nasabi ko na palang panget siya.

Siguro dahil lang sa pangalan kaya ko siya naalala dito kay panget na stupid na nerd.

Seven...

Pareho kasi sila ng pangalan. At sa tuwing tatawagin ko ng ganun si stupid pakiramdam ko ang lapit lang ulit sakin ni Seven kahit naman na alam ko na wala na talagang pagasa na makita ko pa siya.

"Hoy devil! Ano nanaman bang pinagsasabi mo jan?!"

Sigaw sakin ng babaeng gawa sa megaphone nung nakarating kami dito sa likod ng mga tent. Hinila ko kasi siya agad palayo kay Nico.

Ewan ko ba sa stupid nato kung bakit ang lakas padin ng loob niyang kalabanin ako eh siya nga tong napakalaki ng kasalanan sakin!

"Tanga ka na nga bingi ka pa. Panget ka pa! Bakit ba lahat na lang yata ng kapintasan nasalo mo na?" pangiinis ko sakanya.

Kailangan pa bang ulitin ko yung sinabi ko? Narinig naman niya!

"Pwede ba, kung manlalait ka lang ipagpabukas mo nalang? Hindi mo ba nakita? I'm in the middle of confession." Mataray naman na sabi niya sakin.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon