"Hoy pito pito bumangon ka na nga jan! Tulog mantika talaga kahit kailan!" nagulantang ang magandang moment namin ni Nico sa panaginip ko nung narinig ko yung nakakainis na boses ni oppa. Urgh! Konti nalang eh!
Pagtingin ko sa orasan ko, 5:30am palang. 7 am pa ang pasok ko at 6:00 ako nagigising!
"Ano bang problema mo oppa?! May 30 minutes pa ako para matulog!!!" sigaw ko. Hindi ba niya alam na sobrang importante ng bawat minuto na tinutulog mo? Yung kahit 1 minute nalang papatusin mo pa.
"Tch! Tumayo ka na jan! May naghahanap sayo sa baba!"
Ginusot gusto ko yung mata ko at napaisip. "Huh? Sino?"
"Si Nico. Tch! Dumadami yata ang manliligaw mo." Medyo irita na sabi ni oppa. Psh! Protective brother!
At isa pa, si Nico lang ang manliligaw ko. Anong dumadami dun?
Pero bakit ang aga ni Nico? 6:45 niya ako lage sinusundo ah. Napaaga yata siya ngayon. Tumayo agad ako sa kama ko at sinuot yung robe ko. Mahirap na baka maulit yung wardrobe malfunction ko dati.
Lumabas na ako ng kwarto ko at pagbaba ko, nakita ko si Nico na nakaupo sa sofa. Sheez! Ang gwapo niya po promise! Faded blue jeans and white pull over. Waaah! Pero bakit hindi siya nakauniform?
Nakita naman niya agad ako at ngumiti.
"Goodmorning my princess?" nakangiting bati niya. Bigla naman uminit yung pisngi ko. Hindi parin ako sanay na tinatawag niya akong princess.
"Good morning. Bakit ang aga mo ata?" tanong ko.
"I just wanted to see you before I leave."
Ano daw? Leave? Aalis siya?
"Ha? Bakit? Saan ka pupunta?"
"Kailangan ko kasing pumunta ng Macau. May emergency kasi sa business namin duon and since my father is training me in our company gusto niya hands on ako sa mga ganung klaseng sitwasyon."
Nanlumo naman ako sa narinig ko. Is this the time that the prince has to bid goodbye to his princess to go to a battle? Parang ganito yung version ng nasa fairytales.
"Hey, wag ka ng malungkot princess. Babalik naman agad ako eh." He cupped my face at hinarap ang kaninang nakayuko kong ulo sakanya.
Huminga muna ako ng malalim. Alam ko naman na kailangan niyang gawin to at isa pa hindi naman siya forever mawawala. Babalik din siya.
I smiled at him. "Naiintindihan naman kita. Ang OA ko lang kasi talaga minsan. Gaano ka pala katagal mawawala?"
"Hindi ko pa alam. Depende. But I promise I won't be too long. Syempre mamimiss kita eh." Sabi niya tapos kumindat siya sakin.
Internal hemmorrhage nanaman yung pisngi ko. Okay.
"Psh! Bolero!" mahina kong hinampas yung braso niya. "Sige na, baka mahuli ka pa sa flight mo. Magreready nadin naman ako for school." Sabi ko naman.
"Alright. Take care, always." Halatang may concern sa mga mata niya. Siguro naman walang mangyayaring masama sakin sa loob ng ilang araw diba? Mawawala kasi yung prince charming ko.
Tumango naman ako at ngumiti sakanya. Hinatid ko siya hanggang sa may gate. Kahit nandito pa siya sa harap ko pakiramdam ko namimiss ko na siya.
"Princess.." tawag niya ulit sakin bago pa siya makasakay ng kotse niya.
"Hmmm?"
"I hope when I come back, you already have your answer." Sabi niya at sumakay nadin sa sasakyan habang iniwan akong nakanganga.
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...