NINE: Fights and Make-ups

114 3 0
                                    

Hanggang ngayon hindi ko padin maiwasan isipin yung kay Kahi at Nico urgh! Isama mo pa yung goodnight ni Kent! Singit din siya sa isip ko eh! Pero ano kayang nakain nun kahapon at tinuruan ako ng maayos?

"Pass your assignments." Nagsalita si Sir Ventura.

Pinass forward naman namin yung mga workbook namin. Hay nako! Hindi na talaga ako magvovolunteer na magsagot sa board. Mahirap na at baka mapasama pa.

Hirap magtiwala kay devil eh. Mabuti na yung nagiingat.

"Ms Choi!" muntik na akong bumaliktad sa kinauupuan ko nung biglang sumigaw si Sir Ventura.

"S-sir ba-bakit po?" nakakatakot yung itsura ni hairless man. Huhuhu! Hairless man kasi panot siya. Hindi siya kalbo sadyang panot lang talaga siya.

"Eto ba ang inatupag mo? Eto pa ang sagot mo sa pinaasignment ko?!" halos mabasag yung salamin niya sa paghihimutok niya.

"What do you mean Sir? Sinagutan ko naman po yung assignment ko ng maayos. Kent and I even did it together." I politely said. Hindi naman ako bastos na estudyante eh. Sa isip ko lang sinusumpa ang mga professors ko.

"Find the accelaration of the car running in highway with the speed of 30km/h within 4 hours. Yan yung question ko, pero ang sagot mo ay sketch ng mukha ni Mr Mendoza!"

"WHAT?!" halos mapunit ang kissable lips ko sa pagkakasigaw ko.

Pumunta agad ako sa harapan at kinuha ko yung book ko at tinignan kung ano yung sinasabi niyang sketch ng mukha ni devil.

At nakita ko na mukha nga niya yung nakadrawing! Lintek! Sabi ko na nga ba eh! May kababalaghan na gagawin yung lalaking yun eh!

"Sir I didn't draw this. Si Kent po yung nagdrawing nyan!"

Tumingin ako kay devil at yung demonyito naka evil grin.

"Is that true Mr Mendoza?" nabaling kay Kent yung tingin ni Sir Ventura.

Huli ka balbon! Kala niya hindi ko siya isusumbong! At bakit hindi yata siya kumaripas ng takbo sa clinic tutal pinahamak nanaman niya ako.

"No." Simpleng sagot niya. "The whole time kasi na gumagawa kami ng homework ni nerdy she kept on staring at me. I didn't know na she would even sketch my face." Painosente niyang sagot.

"Hoy devil! Sinungaling ka! Mangga nga hindi ko madrawing tapos yung mukha mo maiddrawing ko?!" dinuro ko siya.

Kanina pa pala kami pinagtatawanan ng mga kaklase ko. Naisahan nanaman ako netong demonyito na to! Sinamantala niya to nung nakatitig ako sakanya. Kalo mo kung sinong nagsusulat yun pala nagddrawing na!

Oo na! tinitigan ko na siya?! Eh bakit ba?! Pero hindi ko siya drinawing!

"Profanity is forbidden within the school grounds Ms Choi!" sinigawan nanaman ako ni panot. Pft!

Nakita ko si Kent na nagmake face pa! Ughhhhh!!! Nakakainis talaga siya! Ang sarap palamunin ng kamao eh!

"So I guess, zero ka nanaman sa homework na to Ms Choi."

"But that's unfair!" I defended.

"How is it unfair? Wala kang proof na si Mr Mendoza yung nagdrawing niyan. And since that's your workbook mas matibay ang ebidensya against you." Galing neto ah! Bakit hindi siya nag-abogado?! May nalalaman pang ebidensya ebidensya!

"Ok. Class dismissed."

Dismissed ka sakin ngayon Kent! Lumabas na yung prof namin kaya nilapitan ko na si Kent. Ay mali pala, sinugod ko pala siya.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon