TWENTY FIVE: Prince Charming

58 1 0
                                    

"YURI SEVERINA CHOI! Open this goddamn door now!" Napabalikwas ako sa tunog ng nagigibang pinto.

Binuksan ko naman agad yun bago pa niya tuluyang gibain.

"YAH! Ano bang problema mo oppa?!" sigaw ko kay oppa na halos durugin yung pinto ng kwarto ko. Ke-aga aga sinisimulan nanaman niya ako.

"Kakain na tayo. Bumaba kana because you have some explaining to do young lady." seryosong sabi niya. "PALIWA" (hurry up) dugtong niya habang pinandilatan ako ng mga singkit niyang mata.

Medyo kinabahan naman ako bigla. Ngayon ko lang kasi nakita si oppa na ganun kagalit. More like nanggigigil.

Binilisan kong maligo at magbihis dahil curious na curious ako kung bakit naghihimutok si oppa. Habang pababa ako, inenumerate ko lahat ng kasalanan na posibleng dahilan ng pagkagalit niya.

Una, yung kay Kahi at Kirby ba?

Pangalawa, yung paggamit ko ng credit card niya? Eh hindi naman siya nagagalit dun eh.

Pangatlo....eh wala na talaga akong maisip eh! aish!

Pagbaba ko, nakita ko agad sila mom and dad na nakangiti at masaya. Si oppa naman halos hindi maipinta ang mukha habang masama ang tingin sa isang lalaki na nakaupo sa dining table.

"Oh Yuriya! goodmorning!" Masayang bati sakin ni mommy.

Napatingin silang lahat sa pagsulpot ko. pati nadin yung lalaking nakikikain sa dining table namin.

"OMFG!" gulat na sabi ko. I blinked my eyes several times at umaasa na nanaginip lang ako.

It's... "K-Kent?!" i finally said.

"Goodmorning Seven." he said while smiling devilishly.

"Ba-bakit ka nandito?" naguguluhan na sabi ko.

"Kung hindi pa personal na nagpakilala samin si Kent, hindi pa namin malalaman na may manliligaw ka na pala" sabi ni dad.

"ANO?! MANLILIGAW?! ETO?!" Turo ko kay Kent. "IKAW?!" Dinuro ko ulit siya.

Halos lumuwa lalamunan ko sa sigaw na yun.

Ginagantihan ba niya ako?! dahil ba nagpakilala akong girlfriend niya, kaya ba siya nagpapanggap ngayon?

"O bakit ikaw pa yun nagulat? diba dapat kami nga ang magulat?" masungit na tanong ni oppa. Kaya ba halos lamunin niya ako sa galit kanina?

"Mom, dad, oppa, please excuse us lang po. Wait lang. Halika nga dito Mendoza!" Sabay hila ko kay Kent palabas ng bahay namin.

"Hoy anong ibig sabihin nun ha?" bungad ko sakanya.

"Tch. Ano bang kinakagalit mo jan? Pasalamat ka nga nagpanggap akong boyfriend mo. Biruin mo, ang isang Kent Matthew Mendoza, nagpresenta magpakilala sa pamilya mo as your boyfriend" pagmamayabang niya.

Hambog talaga. Peste.

"Ano bang trip mo devil? diba usapan natin slave/underdog mo lang ako? bakit mo ko jojowain ngayon?!" pagmamaktol ko.

"Tingin mo ba seryoso ako? Trip ko lang gantihan ka. Wala kasi akong magawa ngayon"

"Ah so kung wala kang magawa ako naman tong pinepeste mo aber?" Nakapamewang na sabi ko. Paano kasi weekends ko na mga lang siya hindi nakikita tapos gagambalain pa niya ako.

"Bakit ba ang sungit mo?! Pasalamat ka nga nagpanggap akong boyfriend mo at hindi bilang amo mo!"

"Tinapon mo kasi yung cookies ko! Ang sama mo!" Natakpan ko agad yung bibig ko dahil sa sinabi ko.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon