THIRTY SIX: Strangers

41 1 0
                                    

YURI's POV

"Yuri-ya! Ano bang iniisip mo jan? Kanina pa ako kwento ng kwento pero wala ata dito sa Pilipinas yang isip mo." Natauhan ako bigla sa sinabi ni Kahi.

Eh paano naman kasi iniisip ko padin yung sinabi ni Kent nung nakaraang araw. Hindi padin ako makapaniwala sa mga sinabi niya.

Gusto niya ako. Gusto ako ng isang Kent Matthew Mendoza

Hanggang ngayon kasi iniisip ko padin kung bakit ako. At isa pa paano si Dianne?

Sa totoo lang kinakabahan ako ngayon na makita si Kent. Christmas party ngayon ng school at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Kahit na sinabi niya na kalimutan ko nalang lahat ng sinabi niya hindi ko padin magawa.

"Kahi kasi ano eh--" hindi ko pa nasasabi kay Kahi yung pagamin ni Kent.

"Ano bang problema mo? Bakit parang wala ka sa sarili mo? May nambully nanaman ba sayo?" Nakapamewang na tanong ni Kahi.

"Wala. Ang totoo niyan si ano kasi eh--"

"Love!!!!" Napalingon kami sa tawag ni Kirby at ayun na nga ang kinatakutan ko, ang makita si Kent.

Nagtama yung tingin namin ni Kent at may kakaiba sakanya ngayon. Parang ang dark ng aura niya. Para siyang galit.

Galit ba siya sakin? Galit din ako sa sarili ko kasi ang manhid manhid ko.

"Diba I told you to stop calling me Love? Ang corny kaya!"

"Sus! Eh bakit namumula ka?" Pangaasar ni Kirby.

Nakatingin ako kay Kent pero hindi siya tumitingin sakin. Bakit parang galit siya sakin?

"Hi Yuri!!!" Bati ni Kirby.

"Hello." Simpleng bati ko.

"Teka bakit parang hindi kayo nagpapansinang dalawa?" Puna ni Kahi sabay turo samin ni Kent.

"Ha? Ah-eh..." Ano bang sasabihin ko? Ang awkward naman na sabihin ko na kasi sinabi niyang gusto niya ako.

"Cause she's no longer my slave." Cold na sagot ni Kent.

"That's good news. So you guys are friends now then?" Tanong ni Kahi.

"No

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"No." Tumingin siya sa mga nata ko. "She's nothing to me now." Deretsong sagot niya at umalis nadin.

Pakiramdam ko konti nalang tutulo na yung luha ko. Ewan ko ba pero nasaktan ako sa sinabi niya.

Parang nung nakaraang araw lang sinabi niya na gusto niya aki tapos ngayon wala na ako sa buhay niya.

"Bad mood lang yun." Singit ni Kirby. "Tara na sa loob Yuri magbibigayan na yata ng exchange gifts. Una na muna kami Love."

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon