"Hi Yuri! Can we talk?" Si Dianne. Bigla nalang akong kinabahan nung nakita ko siya. Hindi ko kasi magawang di isipin yung nangyari kanina sa rooftop.
"Ha? Ako?" Turo ko sa sarili ko.
"Yup!" She said smiling.
"Ah sige." Pumayag nadin ako.
Pumunta kami dito sa malapit na cafeteria.
"Tingin mo anong magugustuhang cake ni Kent? Nagtalo kasi kami kanina." Tanong ni Dianne habang nakatingin sa mga cakes.
Hindi pa ako makapaniwala sa tanong niya. Medyo naawkward-an ako.
"Ha? Kahit ano naman siguro basta galing sayo." Sagot ko.
"Tingin mo? Sabagay sabi naman niya lahat daw ng galing sakin natutuwa siya." Kinikilig na sabi niya.
Nagpa-wrap siya ng isang cake tapos humanap na kami ng pwesto.
"Hindi na ko magpapaligoy Yuri. You know, I like you. Gusto kita maging kaibigan." Muntik ko na maibuga yung iniinom ko sa sinabi niya.
"Ako?" Turo ko sa sarili ko.
"Yeah! You seem fun to be with." Nakangiting sagot niya.
Sabagay mukha din naman siyang mabuting kaibigan.
"Wala naman problema dun. Pwede naman tayo maging kaibigan eh." Sagot ko.
"Talaga?! Yay! Alam mo ba wala kasi ako masyadong kaibigan dito. Wala nang bawian ha? Friends na tayo." Para siyang bata.
Wala naman masama kung makikipagkaibigan ako sakanya. At isa pa , mabait naman siya.
"Since friends na tayo I want you to be honest with me." Tinignan niya ako deretso sa mata. Napalunok ako sa tingin niya parang kinakabahan ako sa itatanong niya.
"Sobrang close niyo ba talaga ni Kent?" Tanong niya.
"Ha? Ah hindi naman masyado. Sakto lang." Sabay iwas ko ng tingin.
Naguguilty ako kasi hindi niya alam na nagconfess sakin si Kent. Baka pag nalaman niya sumama yung loob niya. Gusto kong maging honest sakanya pero ayokong makagulo pa sa kung anong meron sila. Isa pa kinalimutan nadin naman ni devil yung nararamdaman niya para sakin.
"Ganun? Kasi kanina sa canteen sobrang nagalala siya sayo eh." Tapos lumungkot yung itsura niya.
Hinawakan ko yung kamay niya.
"Wala yun. Ganun naman talaga si Kent sa lahat ng kaibigan niya." I reassured her.
"Sabagay. Mas sweet naman siya sakin." Sabi niya.
Parang may kumirot naman sa dibdib ko.
"Pero Yuri kahit kailan ba hindi ka nagkagusto kay Kent?" Tinignan niya ako mata sa mata.
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...