"Hoy devil tapos ko na hugasan yung PINAGKAINAN KO SA HOTEL NIYO! Salamat ha? Hindi lang ako nabusog, NAPAGOD PAKO!" sarcastic na sabi ko kay devil na kumportableng nakaupo sa couch at nanunuod ng basketball.
Bastos nga eh! Hindi ako pinapansin! At teka lang, wala bang balak pumasok to? nakapambahay padin eh!
and speaking of classes half day na akong absent! Tsk! Hindi na tuloy ako makikita ni Nico ng fresh! Haggard ko na kaya!
"Nagrereklamo ka?" bigla niya akong tinignan ng masama.
"Ah eh hindi naman. nagpasalamat pa nga ako diba?" sabay ngiti ko ng fake.
"Tch"
"Hindi ka nanaman ba papasok?" tanong ko sakanya.
psh! Kahit naman stupid ako at least hindi ako pala absent. Matalino nga siya lagi namang absent!
"Pake mo?" Poker face na sabi niya.
Aba't! pigilan niyo ko! mapapadugo ko yung bunganga nito ngayon din!
"Aalis nako." sabi ko. Wala kasi siyang kakwenta kwentang kausap!
"Pake ko?"
Hindi ko na siya sinagot at nagmake face lang sakanya. hoooo! buti hindi ako nakita!
Kainis! pasalamat nga siya nagpaalam pa ako eh! Napaka sungit! Daig pa babae kung mag PMS!
***
Kainis talaga yung devil na yun! Dahil sakanya nabawasan pa allowance ko! Nagtaxi pa ako ng di oras! Eto kasi si devil, pagkatapos akong ipakidnap hindi man lang ako hinatid pabalik?!
Sabagay sino nga bang kidnapper ang ihahatid pa ang kinidnap nila?! Aish! Oo na! Stupid nako!
Pagbalik ko dito sa school pinagtitinginan at pinagbubulungan padin ako. akala nila new student ako. Kung ganun pala ka convincing yung pagdidisguise ko eh bakit kaya ako na buking ni devil?
"Yuri?! What the?!" Gulat na sigaw ni Kahi nung nakasalubong ko siya sa corridor.
Hindi pa nga pala niya alam kasi busy siya sa new found pet niya.
"Ba-ba-kit hindi kana nerd?" Pautal utal na tanong niya.
"Di na kailangan. nabuking nako ni Kent." Walang gana kong sabi.
"WHAT?!" Pinagtinginan kami ng lahat ng tao dahil sa magnitude 10 na sigaw netong amazona kong bestfriend.
"Too late for that reaction Kahi. I can't escape now. Pumayag na akong magpabully sakanya kapalit ng ginawa kong kapalpakan sakanila ng ex girlfriend niya."
"Yah! Yi Paboya!" (You stupid) tignan mo naka free lait nanaman sakin!
"Yah! Nuchugule?!' (You want to die?!) Pag amba ko sakanya! nagawa pa akong laitin eh problemado na nga ako dito!
"I don't have a choice. Ah! meron naman pala kaso mas malala. kung hindi ako papayag maging underdog/ slave niya, buong school ang mambubully sakin."
Napailing naman si Kahi dahil sa sinabi ko. May magagapawa ba ako? Kesa naman buong school ang magpahirap sakin eh di si devil nalang.
"May point ka nga dun. Paano na yan? Anong gagawin mo? You're trapped" puno naman na ngayon ng concern yung mukha ni Kahi.
"Bahala na. Kesa naman buong school ang kalaban ko diba?"
"Bakit hindi ka ba natatakot kay Kent?"
Ewan ko ba kung bakit hindi na naman ako natatakot masyado kay devil, paminsan minsan nalang pag nagiging dragon siya. . siguro dahil minsan na niyang pinapakita niya yung soft side niya. Naalala ko pa kung paano niya akong tawaging Seven.
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...