TWENTY THREE: The gift

72 1 0
                                    

Mabilis akong pumasok pabalik sa loob ng mall paano ba naman kasi napakagaling talagang tumiming netong si devil! Akalain mong nandito din siya sa Greenbelt!

Pagpasok ko dito sa mall, nagulat ako ng biglang may humatak sa kamay ko. Psh. Sino paba mahilig mangaladkad?

"Hoy devil! Ano nanaman bang gusto mo?" sabi ko sabay tanggal ko ng pagkakahawak niya sakin.

"That was fast. Lumipad ka?" Sarcastic na sabi niya.

Uh---oh. Baka malaman niya na kasama ko kanina si Nico!

Isip Yuri! Isip!

"Ah eh, nandito din kasi ako kanina kasama si Kahi. Ang galing mo nga tumiming eh" I lied.

"Bakit mo nga ba ako pinapunta dito?" I changed the topic.

"Magrogrocery tayo." Simpleng sagot niya.

"Oh eh ano namang kinalaman ko sa paggrogrocery mo aber?" nakapamewang na tanong ko. Wala akong pakeelam kung pinagtitinginan na kami dito sa mall. Sanay na ako ng nakakakuha ng atensyon sa tuwing kasama ko tong si devil.

"Shit damin tanong! Sumama ka na nga lang!!" sabay hila nanaman niya sa kamay ko.

"Shit ka din!" sagot ko habang kaladkad niya ako. Hinayupak na to lagi nalang akong minumura! Natututo tuloy akong mag cuss dahil sakanya!

Pagdating namin dito sa grocery dalawang malalaking cart agad yung kinuha ni devil. Balak yata magpakain ng isang buong baranggay.

"Oh itulak mo." Pagsusungit niya.

Bakit ba badmood siya today? PMS?

"Paano ko naman matutulak tong dalawang pagkalaki laking cart na to ha?!" pagsusungit ko din sakanya.

Ipatulak ba naman sakin yung dalawang malaking cart. Ayos din siya eh no!

"Ilan ba kamay mo?" tanong niya.

"Dalawa." Inosenteng sagot ko.

"Ilang cart to?"

"Dalawa."

"Oh edi itulak mo!" sabay pagiwan niya sakin with these two freaking large carts!

Ughhhh!!! This guy is really getting into my nerves! Pasalamat siya takot akong mabully ng buong school.

Napakagentleman niya po.

Sinundan ko lang si devil habang hirap na hirap ako sa pagtutulak nitong dalawang cart na to. Yung isa minsan pupunta sa kaliwa tapos yung isa naman sa kanan! Pinagtitinginan na nga ako ng tao dito eh mukha kasi akong tanga.

Tangang girlfriend.

Oo! Akala nila girlfriend ako ni devil! Nakakaawa daw ako kasi nagpapakatanga ako sa lalaking katulad niya. Hindi naman daw gentleman, gwapo lang. Yung iba naman napagkakamalan akong muchacha ni devil!

May muchacha bang naka floral dress habang kasama ang amo niya?

Naririnig ko kasi silang nagbubulungan pag makakasalubong kami ni devil.

"Devil!" tawag ko sakanya.

Busy-ing busy kasi sa pagkuha ng mga pagkain, may mga canned goods, noodles, chips, cereals, biscuits, fruits and milk. Ang dami talaga. Lahat ng madaanan niyang aisle may kinukuha siya.

Birthday ba niya? Eh kung birthday niya bakit ipaghahanda niya yung sarili niya?

"Ano?" he irritably said.

Wow ha! Siya pa tong may ganang mainis eh ako nga tong hirap na hirap na dito.

"Tutal mayaman ka naman, bakit hindi mo nalang bilhin tong buong supermarket?" tanong ko. Syempre with sarcasm.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon