"Yah! Yuri Severina Choi!" napatigil ako sa paglalakad nung nakasalubong ko si Kahi. Gosh! I miss this b*tch so much.
"H-hi Kahi." Matamlay na ngiti ko sakanya.
"May problema ba?" lumambot din yung expression niya.
Nakakaguilty. Nakakaguilty kasi hindi ko padin sakanya nasasabi na si Nico yung secret admirer niya.
"H-ha? Ah wala!" i faked a laugh.
Hinawakan niya yung noo ko. "Wala ka naman sakit." Tinignan niya ako with curiosity. "What's wrong Yuri? You know you can tell me everyhting.
Trust me Kahi. I really want to tell you something.
"There's nothing wrong Kahi." Napayuko lang ako. Wala naman talagang mali eh. Ano namang mali kung si Nico ang secret admirer ni Kahi? Ako ang may mali. Mali tong nararamdaman ko kasi nasasaktan ako.
"You really expect me to believe that?"
"I promise sasabihin ko sayo once na sure na ako. Sige Kahi. I have to go. See you later."
Sabay beso ko sakanya at tumakbo na ako palayo. Ano bang ginagawa ko? At ano yung sinasabi ko na once na ready na ako? Bakit kailangan ko pa paghintayin si Kahi na makilala yung secret admirer niya dahil sa feelings ko? Ewan. Ang selfish ko.
Napahinto ako sa pagtakbo nung natapatan ko yung auditorium. It happened here. Naalala ko tuloy yung mga ngiti ni Nico. Yung boses niya. Yung tingin niya sakin. Hay!
"Ahhhhhhhhhhh!" Sigaw ko.
Bigla nalang kasi may humatak sa kamay ko habang nakatayo ako sa labas ng auditorium.
"Shhh. Wag kang maingay." Bulong niya.
I know that voice. I know that husky voice.
"N-nico?" napatingin ako sakanya. And si Nico nga yun.
"Hi Yuri." He smiled at me.
Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko. Nung nakita niya na nakatingin ako dun unti unti na niya yun inalis.
"Bakit moko hinila dito?" I don't sound mad. I sounded curious.
Ngumiti lang siya tapos hinila niya ako paakyat sa stage. Ganitong ganito din yun. Yung araw na tumugtog kami ni Nico. Yung araw na nakilala ko siya. Yung araw na parang sasabog yung dibdib ko sa kaba at saya.
"Ah nga pala, may masakit paba sayo?" hinawakan niya yung mga braso ko tapos tinignan niya.
Agad ko naman yun inalis sa pagkakahwak niya.
"O-ok nako. Bakit ba tayo nandito?" I shifted the topic.
"I need you to listen to me." Tinignan niya ako ng seryoso.
"H-ha?"
"I'll play one song. Just one song. One song. And I'll let you go." Nanlambot yung boses niya bigla.
Paano ko ba siya tatanggihan? Mukhang malungkot yung mga mata niya.
"Fine. Just one song." Umupo ako sa stool at siya naman nasa tapat ko at may hawak ng gitara . Kala mo haharanahin ako. Marunong din pala siya magitara.
"anong tutugtugin mo?" I asked.
Nagisip muna siya. "Just listen."
Sinimulan na niyang magplay. He just played effortlessly. Bawat strum niya sa string nakakapanlambot. Ang gwapo niya habang nagigitara siya. Introduction palang narecognize ko na yung kanta.
And he started singing.
I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul.
Bawat lyrics na binibitawan niya parang direkta niyang sinasabi sakin. Nakatingin kasi siya sa mga mata ko tapos nakangiti.
I know that you are something special
To you I'd be always faithful
I want to be what you always needed
Then I hope you see the heart in me
palakas ng palakas yung tibok ng puso ko habang nakatingin ako kay Nico. Bakit ba niya ginagawa to? Naguguluhan ako. Ayokong mag assume pero lalo niya akong pinapaasa.
I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul.
Gusto niya ako? Para kasing yun yung nararmdamn ko eh. Bakit pakiramdam ko kinakanta niya yung kanta para sakin? Na parang he meant every word at sinasabi niya sakin yun?
So you're the one I wanna chase
You're the one I want to hold
I won't let another minute go to waste
I want you and your beautiful soul
Bago pa niya makanta yung second verse, I found myself suddenly standing. Nagulat siya at napahinto siya sa pagkanta. Kung bakit ako napatayo hindi din ako sure.
Isa lang ang alam ko, ayoko ng makinig. Ayoko ng magaasume. Pinapagulo niya ang isip ko. Hindi ba si Kahi yung gusto niya? Ayoko ng ganito. Bawat linyang bitawan niya parang pinapaasa niya ako eh!
"Yuri, may problema ba?" tanong niya. Halatang nagulat din siya sa ginawa ko.
"Wala." Pinigilan ko yung sarili kong magtanong. Tanungin kung anong ginagawa niya.
Tumayo siya tapos hinawakan niya yung dalawang balikat ko at tinignan niya ako mata sa mata. "Is there something wrong Yuri?"
Ano pa bang ginagawa mo Yuri? Escape now! Run! Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa balikat ko.
"I'm sorry Nico. But I have to go."
Umalis na ako at tumakbo palabas ng auditorium. Gusto ko lang talaga umalis dun. Pakiramdam ko pag hinayaan ko pa siyang magsalita ulit baka hindi ko na mapigilan magtanong. At ayoko magtanong dahil ayokong sagutin niya ako.
Hindi ko na tuloy maiwasang maluha. Paano kasi! Gulong gulo na ako! Sa tuwing nakikita ko si Nico hindi ko nararamdaman na siya yung secret admirer ni Kahi. Pero kahit anong isipin ko hindi padin naman magbabago kung ano yung totoo.
Gusto niya si Kahi.
A/N: Thank you for the reads! Feel free to comment! 😊☺
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...