KIRBY'S POV
I am a playboy. A certified one. Life is too boring to focus only on one girl at isa pa masyadong malikot ang mata ko para tumingin lang sa isa. Ang motto ko nga "why stick to one when you can have everyone? "
Iba ibang babae linggo linggo o kahit araw araw pa. Party. Vices. And girls. Yan ang buhay ko. Sanay akong nakukuha ang gusto ko o kahit sino man yung gustuhin ko.
After my mom left us for another guy when I was 7 years old, that was the time that I lost my hope in love. Tangna! Ang korny!
Hindi ko alam kung bakit iniwan ng mom ko si dad for another guy eh samantalang lahat naman ng gustuhin niya prinoprovide ng dad ko.
Muntik ng bumagsak yung business namin dahil sobrang wasted ni dad when my mom left us.
Naisip ko na yung mga babae they will always look for more. Kahit ibigay mo sakanila lahat minsan hindi padin sapat yun.
Simula nun, matagal ko ng kinalimutan yung salitang love. Ang tanging alam ko lang ay ENJOY. Kaya ko naman magkagirlfriend kahit wala yang love na yan. Simpleng kindat at ngiti ko lang sa babae lumalapit na sila sakin.
Minsan iniisip ko na I'm not capable of loving someone. Matagal ko na kasing kinalimutan yung salitang yun. Tutal, masasaktan lang ako dun.
Akala ko kuntento na ako sa buhay na meron ako. Akala ko totoong masaya na ako. Until a girl came into my life.
Si Kahi.
Simple. Maganda. Inosente. Mabait. Maalalahanin.
Noong una, natutuwa lang ako sakanya kasi ang cute niya. Akala daw niya mamatay siya kasi first time niyang magka mens! Hahaha! Hindi ko padin makalimutan yung itsura niya na yon.
Hindi ko naman talaga plinano na mapalapit sakanya. Pero sa tuwing nakikita ko kasi siya parang may kung anong humahatak sakin papalapit sakanya. Masarap kasi siyang kausap. Masarap ding titigan yung mukha niya, sobrang amo kasi. Hanggang dumating nalang sa point na pakiramdam ko may gusto na ako sakanya. Hindi ko naman sinasadya na magkagusto sakanya dahil isa nga sa rules ko ay NO FLIRTING WITH GOOD GIRLS.
Bakit? Dahil madrama!
Gusto ko na sana magtapat kay Kahi pero hindi din kasi ako sigurado na baka masaktan ko siya. Kahit kailan naman kasi hindi ko naranasan ang magseryoso sa isa. Naisip ko na paano kung hindi ko mapigilan ang sarili ko at mabored ako sakanya at maghanap ako ng iba? Ayoko siyang masaktan.
Hindi ko masabing mahal ko siya kasi unang una I'm not capable of loving someone.
At paano kung kapareho lang niya yung mommy ko? Paano kung sumugal ako sakanya at ibigay ko lahat pero sa huli iiwan din pala niya ako?
Hindi ko padin makalimutan yung nangyari nung gabing yun. Nung gabing pinuntahan niya ako sa club at nagconfess siya.
"Kirby kasi ano eh-" nahihirapan siyang ituloy yung sinasabi niya.
"Ano ba yun?" iritable na sabi ko.
Simula nung naramdaman ko na parang nagkakagusto na ako kay Kahi, kusa na akong lumayo.
Unang una, ayokong masaktan lang siya. At pangalawa ayoko din na masaktan ako.
"Kung wala ka naman sasabihin bakit pumunta ka pa dito?!" sigaw ko sakanya. Ayoko naman talaga siyang sigawan pero kailangan kong gawin yun para matakot siya sakin at layuan na niya ako.
Nabigla siya sa ginawa ko. Naguilty ako kasi napagtaasan ko siya ng boses.
Tinalikuran ko na lang siya pero hinawakan niya yung braso ko..
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...