TWENTY ONE: Cinderella?

103 3 1
                                    

"Pst stupid!" Tawag ni devil habang gumagawa kami ng seatwork.

"Ano ba yun ha? Kanina ka pa." Iritang sabi ko.

Paano ba naman kasi kanina pa ako pinuperwisyo nitong si devil!

Kesyo ipaghati ko daw siya ng papel. Palabasin yung tinta ng ballpen niya. Tapos tasahan daw yung lapis niya. Talagang sinusulit niya pagiging slave ko.

Kainis talaga! Makapambwisit lang! Paano naman kasi, sa tuwing naguusap kami ni Nico dun siya may iuutos!

"Don't dare to be late mamaya sa party." may pagbabanta sa boses niya.

"Oo na ok? 7 pm sharp. Ano akala mo sakin di marunong magbasa ng oras?"

Kulit kasi! Nabasa ko naman sa binigay niyang invitation yung start nung party tapos uulit ulitin pa niya sakin yun. Alam kong mayaman siya sa load pero wag naman siyang unli diba?!

"Malay ko ba kung hindi ka marunong? diba stupid ka sa math? Ay let me rephrase that, diba stupid ka to all subjects?" pangaasar niya.

Di na ako nasasaktan sa mga ganyan niya no! Sanay na sanay na ako!

"Psh! Alam ko naman yun eh! Mapapagod ka lang kung uulit ulitin mo pa." sabay irap ko sakanya.

Nakita ko naman na nagsmirk lang siya. May pa smirk smirk pang nalalaman, gwapo niya!

Ay mali! Let me rephrase that. May pa smirk smirk pang nalalaman hindi naman siya....errrrr....

Aish! Oo na gwapo na siya! Panget naman ng ugali! At loyal ako kay Nico no!

"Eh bakit mo ba ako pinapapunta dun? Ano namang gagawin ko dun?" tanong ko.

Nagtataka talaga kasi ako kung bakit niya ako pinapunta sa party ng daddy niya.

"Ayokong mabored eh." he said with a poker face.

"Ano namang connect ko sa boredom mo aber?"

"Gusto kong may mapagtripan. Bakit ba ang dami mong tanong? Diba alipin kita? So just freakin go! Period!"

Nainis bigla ang demonyito at nagwalk out!

Bastos talaga! Hindi man lang nag may I go out!

Nahiya ako sa ipad.Ipod.Psp.At cellphone na pampatay ng boredom!

Napalingon ako kay Nico. Seryosong seryoso siya. Medyo nadisappoint ako kasi hindi niya ako pinapansin buong araw. Akala ko ba liligawan na niya ako? Minsan pag napapatingin ako sakanya, ang sama ng tingin niya kapag kinakausap ako ni devil.

Pansin ka na buong araw na hindi nagpapansinan yung tatlo. Si Kirby, Nico at devil. Si Kirby parang naiipit sa dalawa. Minsan si Kent ang kakausapin niya, minsan naman si Nico. Ano bang meron sa dalawang to? Hindi kasi ako sanay na hindi sila naguusap.

Kung anong problema, hindi ko alam.

***

"Oh saan punta mo pito-pito?" tanong ni Kuya Axel na walang pakundangan na pumasok sa kwarto ko.

"Sa pagkakaalam ko, may pinto naman ako. Bakit hindi ka kumatok?" sarcastic na sabi ko.

Nawiwili na kasi siyang maglabas pasok sa kwarto ko. Hanggang ngayon, hinahanap ko padin kung anong meron sa kwarto ko na wala sa kwarto niya at trip na trip niyang maglabas pasok dito!

"Sa pagkakaalam ko din kasi may lock yung pinto mo. Bakit hindi mo ni-lock?" pamimilosopo naman niya.

Nakakainis talaga tong kapatid kong to! Ang galing magreverse psychology! Palibhasa yun kasi yung course niya.

Escaping Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon