Saturday.
Nagreready kami ni Kahi ngayon dito samin para sa engagement nila Dianne at Kent mamaya.
"You know going there is a suicide." Mataray na sabi ni Kahi. Nakwento ko nadin kasi sakanya yung nangyari nung isang araw sa playground.
"Alam mo ang OA mo." Napailing nalang ako. "At isa pa kaibigan ko si Dianne ayokong magtampo siya sakin."
These past dew days lalo kaming naging close ni Dianne. Hindi nga nalalayo yung ugali nila ni Kahi. Pareho silang palaban pero mabait. Minsan nga naguguilty ako kasi hindi ko masabi sakanya yung kay Kent pero mas iniisip ko nalang na mas okay nadin na hindi niya alam. Wala na naman yon.
"Nasaan na ba kasi ang prince charming mo? Ang tagal niyang wala ah."
"Yun nga eh. Sabi niya nadelay daw flight niya. Baka daw next week pa siya." Matamlay na sagot ko.
Nagtingin ako ng dress sa closet ko nung nahagip ng tingin ko yung angel necklace ko. I smiled at the memory of him. Kamusta na kaya siya ngayon?
"Iniisip mo nanaman yung childhood friend mo?" Singit ni Kahi.
"Oo. Nasaan na kaya siya? Nakakakita na kaya siya ulit?"
Hindi ko nakalimutan na ipagpray siya. Sana okay na yung mga mata niya.
"You know what, that necklace would be perfect with this." Sabi ni Kahi habang tinaas yung isang pink dress.
Nagbihis na kami ni Kahi kasi maya maya dadating na si tuta. Paglabas namin ng room nagkasalubong si Kahi at oppa. Awkward padin sila sa isa't isa. Alam nadin kasi ni oppa na taken na si Kahi paano kasi ang bagal bagal niya.
"Nandito ka pala." Sabi ni oppa.
"Yeah. Hi. Long time ni see." Hindi makatingin si Kahi ng deretso kay oppa.
"Excuse me nga! Hindi ko kinakaya yung awkwardness dito!" Hinawi ko silang dalawa para makadaan ako. Grabe! Nakakaloka yung awkwardness!
Nauna na akong bumaba sa may sala. Bahala sila magusap dun na dalawa! Hahaha!
Napahawak nalang ako bigla sa dibdib ko.
Oh bakit ka kabado?! Ikaw ba ang ieengage?!
Bakit ako kinakabahan? Para akong baliw!
"Yah! You look pale. Gwaenchana?" (Are you okay?) bungad ni Kahi pagbaba niya.
Ninenerbyos kasi ako eh. "Ha? Oo naman! Lipstick! Oo tama lipstick! Wala pa pala akong lipstick!"
Naghanap ako sa pouch ko ng lipstick. Buti nalang nandun yung rose pink ko na lipstick.
"Ang tagal naman ni Javier! Nasaan naba yun?!" Nagaalburuto na si Kahi.
"Baka na traffic lang. Teka ano nga pala pinagusapan niyo ni oppa?"
"Wala. Sinabi lang niya na magingat tayo." Simpleng sagot niya.
Napalingon ako sa pinto namin at nakita ko si Kirby. Sinenyasan niya ako na wag maingay at mukhang balak pa niyang gulatin si Kahi. Hindi kasi siya nakikita ni bff kasi nakatalikod siya sa pintuan.
"Nako magseselos si tuta niyan." Pangaasar ko.
Wala parin kaalam alam si Kahi na nasa likod na niya si Kirby.
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...