Medyo gumaan ng 1% ang buhay ko dito sa school paano kasi nabawasan ang nambubully sakin. Sabi kasi ni Kirby hindi na niya ako ibubully. Oo 1% lang ang binawas kasi yung 99% eh kay devil. Si devil pa ba? Halos matuyuan kaya ako ng dugo pag nagaaway kami nung demonyitong yun!
At bukod sa hindi na pambubully sakin ni Kirby, sabi pa niya ipagtatanggol niya ako kay Kent. Yey! May back up na ako! Pero ang pinaka goodnews sa lahat...
Eh yung nalaman ko na hindi pala talaga si Nico ang secret admirer ni Kahi! Nakakainis lang, dahil sa tamang hinala ko ang dami kong nasayang na chances na mapalapit kami ni Nico sa isa't isa. Pero ayos lang! Pwede naman ngayon nalang ulit kami maging close. At least maayos na ang lahat diba?
"Anong nginingiti ngiti mo jan stupid?" Pagsusungit nanaman ni devil.
Mali ako. Hindi pa pala maayos ang lahat. Hindi pa pala ayos ang paguugali ng demonyitong katabi ko.
Ke aga aga sinisimulan nanaman niya ako.
"Pake mo?" tinarayan ko siya. "Wala ba akong karapatang ngumiti?!"
"Wala kasi panget ka." Poker face na sabi niya!
Bwiset! Yung pagkakasabi pa niya nakakaloko. Seryoso. Deretso. At nakakasakit! Sinabi niya yun ng hindi nakatingin sakin dahil busy siya sa phone niya!
Huhuhu! Paano nalang kung maniwala nga sila na panget ako kahit hindi naman?!
T___T ang casual kasi ng pagkakasabi niya. Parang hindi na niya kailangan pagisipan! Waaaahh! Hindi naman talaga ko panget eh! Nerd lang. Nerd. Hindi naman kasama sa pagdididsguise ko ang magpaka panget eh!
"You look happy now Yuri." Bigla nagsalita si Nico when I'm on my verge of punching Kent's face.
Pero hindi ko na syempre natuloy, nagbago na mood ko eh. (^.^)
Acheche!
Pwede na ulit akong makipagbonding sakanya. Pwede na ulit niya akong kantahan! Tapos..tapos....
Pwede na maging......
"Don't smile at me like that I might k---"
Hindi ko narinig yung huling sinabi ni Nico kasi busy ako sa advancement na nangyayari sa utak ko.
Ano kayang sinabi niya? K---? Er...? Ano daw?
"Yuriii!!!" sigaw ni Kirby na kakadating lang.
"Goodmorning Yuri!" laki ng ngiti ni mokong. Palibhasa may pang blackmail ako eh! Wahaha!
"Anong good sa morning kung nakita kita?" tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Ang sungit mo naman. Diba friends na tayo?" sabay pout niya.
Ampupu! Chaka niya! Pwe!
Pero sige na nga! Hindi ko na siya susungitan tutal sabi naman niya pagtatanggol na niya ako eh. Maluboslubos nadin ang deal namin tutal binully din naman niya ako dati. Dito nalang ako gaganti!
"Ay oo nga pala." I faked a smile.
"Oy Kirby bakit ka nakikipagkaibigan dito kay stupid ha?" pagaangas ni Kent. Pake ba niya?
"Don't call Yuri stupid." Parang batang nagbanta si Kirby.
"Ah inaangasan mo na ako?" tatayo na si Kent para sugudin si Kirby.
"Joke lang Kent! Hahaha! Ikaw naman."
Tangg! Kala ko ba pagtatanggol niya ako? Eh parang mas kaya ko pang barahin si Kent kesa sakanya eh.
"Sorry na. Halimaw kasi magalit yan." Bulong ni Kirby.
Pft!
"Gusto mo sabay tayo pumunta next week sa senior camp?" tanong ni Kirby. Gusto lang makabawi. Tsk!
BINABASA MO ANG
Escaping Mr. Devil
Teen FictionHow far would you go to escape from a devil? Would you run? Why not try to hide from him? This is the reason why Severina Yuri Choi disguised herself as a NERD just to escape from Kent Matthew Mendoza , the guy who was distressed by her stupidity...